KAHON 20A
Ang Pagkakahati sa Lupain
Ang eksaktong mga hangganan sa pangitain ay tumitiyak sa mga tapon na talagang ibabalik ang kanilang minamahal na lupain. Ano ang matututuhan natin sa pangitaing ito? Talakayin natin ang dalawang detalye nito:
Isang lugar at isang mahalagang atas
Ang bawat isa sa bumalik na mga tapon ay magkakaroon ng mana sa Lupang Pangako. Sa ngayon, ang lahat ng lingkod ni Jehova ay may lugar din sa espirituwal na paraiso. Gaano man kaliit ang atas natin sa organisasyon, siguradong may lugar tayo at mahalagang atas sa espirituwal na lupain. Para kay Jehova, ang lahat ng lingkod niya ay mahalaga.
Pantay-pantay na mana
Sa pangitain ni Ezekiel, ang lahat ng tribo ay pantay-pantay na makikinabang sa kasaganaan ng Lupang Pangako. Sa ngayon din naman, ang lahat ng lingkod ni Jehova ay may pantay-pantay na pagkakataong makatanggap ng pagpapala sa espirituwal na paraiso.