Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAHON 9E

Ang Panahon Para “Ibalik sa Dati ang Lahat ng Bagay”

Ang Panahon Para “Ibalik sa Dati ang Lahat ng Bagay”

GAWA 3:21

Nang banggitin ni apostol Pedro ang panahon para “ibalik sa dati ang lahat ng bagay,” ang tinutukoy niya ay isang yugto ng panahon na magsisimula sa pagluklok kay Kristo bilang Hari at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Sanlibong Taóng Paghahari.

  1. 1914​—Iniluklok si Jesu-Kristo sa langit bilang Hari. Sinimulang ibalik ang magandang espirituwal na kalagayan ng bayan ng Diyos noong 1919

    Mga Huling Araw

  2. ARMAGEDON​—Magsisimula ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo, at kasama na rin sa ‘pagbabalik sa dati ng lahat ng bagay’ ang pisikal na pagpapala sa tapat na mga tao sa lupa

    Sanlibong Taóng Paghahari

  3. KATAPUSAN NG SANLIBONG TAÓNG PAGHAHARI​—Matatapos ni Jesus ang gawaing pagbabalik at ibibigay na niya ang Kaharian sa kaniyang Ama

    Walang-Hanggang Paraiso

SA ILALIM NG PAGHAHARI NI JESUS, . . .

  • muling luluwalhatiin ang pangalan ng Diyos

  • magiging malusog uli ang mga maysakit

  • muling babata ang mga may-edad

  • bubuhayin ang mga patay

  • magiging perpekto ang tapat na sangkatauhan

  • ibabalik ang Paraiso sa lupa