KAHON 10B
“Tuyong mga Buto” at Dalawang Saksi—Ano ang Kaugnayan Nila?
NOONG 1919, natupad ang dalawang magkaugnay na hula: ang tungkol sa “tuyong mga buto” at sa ‘dalawang saksi.’ Ang “tuyong mga buto” ay tungkol sa isang napakahabang panahon (umabot nang maraming siglo) na magwawakas sa pagkabuhay ng isang malaking grupo ng mga lingkod ng Diyos. (Ezek. 37:2-4; Apoc. 11:1-3, 7-13) Ang ‘dalawang saksi’ naman ay tungkol sa isang maikling panahon (natupad mula noong pagtatapos ng 1914 hanggang sa pasimula ng 1919) na magwawakas sa pagkabuhay ng isang maliit na grupo ng mga lingkod ng Diyos. Ang dalawang hulang ito ay lumalarawan sa makasagisag na pagkabuhay-muli at may makabagong-panahong katuparan noong 1919 nang ‘patayuin’ ni Jehova ang pinahirang mga lingkod niya, palayain sila sa Babilonyang Dakila, at tipunin kasama ng ibinalik na kongregasyon.—Ezek. 37:10.
Pero may isang mahalagang pagkakaiba pagdating sa katuparan ng dalawang hulang ito. Ang hula tungkol sa “tuyong mga buto” ay tumutukoy sa pagkabuhay ng lahat ng natitirang pinahiran. Pero ang hula tungkol sa ‘dalawang saksi’ ay tumutukoy sa pagkabuhay ng ilang natitirang pinahiran ng Diyos—ang mga nangunguna sa organisasyon at inatasan bilang “tapat at matalinong alipin.”—Mat. 24:45; Apoc. 11:6. a
‘Kapatagang Punô ng Buto’—Ezek. 37:1
-
PAGKATAPOS NG 100 C.E.
Mula ikalawang siglo C.E. patuloy, nang ang pinahirang kongregasyong Kristiyano ay makasagisag na pinatay, napuno ng “buto” ang “kapatagan”
-
PASIMULA NG 1919
1919: Nabuhay ang “tuyong mga buto” nang ilabas ni Jehova sa Babilonyang Dakila ang lahat ng pinahiran para tipunin sila kasama ng ibinalik na kongregasyon
‘Dalawang Saksi’—Apoc. 11:3
-
PAGTATAPOS NG 1914
nangangaral habang “nakadamit ng telang-sako”
1914: Nangaral ang ‘dalawang saksi’ habang “nakadamit ng telang-sako” sa loob ng tatlo at kalahating taon. Pagkatapos, makasagisag silang pinatay
-
makasagisag na pagkamatay
-
PASIMULA NG 1919
1919: Nabuhay ang ‘dalawang saksi’ nang ang isang maliit na grupo ng pinahirang mga kapatid na nangunguna sa organisasyon ay atasang maglingkod bilang “tapat at matalinong alipin”
a Tingnan ang Bantayan, Marso 2016, “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa.”