Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

IKALAWANG SEKSIYON

“Dinumhan Mo ang Santuwaryo Ko”—Nadungisan ang Dalisay na Pagsamba

“Dinumhan Mo ang Santuwaryo Ko”—Nadungisan ang Dalisay na Pagsamba

EZEKIEL 5:11

POKUS: Nasadlak sa espirituwal na karumihan at sa kasamaan ang Jerusalem at Juda

Inalagaan ni Jehova ang mga Israelita at itinuring silang kaniyang “minamahal na pag-aari.” (Ex. 19:5, tlb.) Pero sumamba sila sa huwad na mga diyos sa mismong templo na nagdadala ng pangalan ni Jehova! Sinaktan nila si Jehova at nagdulot ng kadustaan sa kaniya. Bakit iyon nagawa ng Israel? Ano ang matututuhan natin sa hula ni Ezekiel tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem? At anong mga aral ang makukuha natin sa pakikipag-ugnayan ng Israel sa nakapalibot na mga bansa?

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 5

“Tingnan Mo ang Masama at Kasuklam-suklam na mga Bagay na Ginagawa Nila”

Nakita ni Ezekiel ang nakakakilabot na mga eksena na nagpapakita kung gaano na karumi sa espirituwal ang buong bayan.

KABANATA 6

“Dumating Na ang Kawakasan Mo”

Ang mga pagsasadula ni Ezekiel ay hula tungkol sa isang pangyayari na magpapakita ng galit ni Jehova sa Jerusalem.

KABANATA 7

Malalaman ng mga Bansa na Ako si Jehova

Mananagot ang mga bansang lumapastangan sa pangalan ni Jehova, pati na ang mga umusig o nagparumi sa bayan niya. Anong mga aral ang makukuha natin sa pakikisalamuha ng Israel sa mga bansang iyon?