Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

IKATLONG SEKSIYON

“Titipunin Ko . . . Kayo”—Ipinangako ang Pagbabalik ng Dalisay na Pagsamba

“Titipunin Ko . . . Kayo”—Ipinangako ang Pagbabalik ng Dalisay na Pagsamba

EZEKIEL 11:17

POKUS: Isiniwalat sa mga hula ni Ezekiel ang pagbabalik ng dalisay na pagsamba

Nagkabaha-bahagi ang mga Israelita—sinira ng apostasya ang pagkakaisa nila. Nagdurusa sila dahil dinungisan nila ang dalisay na pagsamba at nilapastangan ang pangalan ng Diyos. Sa panahong ito, pinakilos ni Jehova si Ezekiel na maghayag ng mga hulang nagbibigay ng pag-asa. Gamit ang buháy na buháy na paglalarawan at kahanga-hangang mga pangitain, pinatibay ni Jehova ang nabihag na mga Israelita, pati na ang lahat ng nananabik sa pagbabalik ng dalisay na pagsamba.

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 8

“Maglalaan Ako . . . ng Isang Pastol”

Ginabayan ng Diyos si Ezekiel na humula tungkol sa Mesiyas, ang darating na Tagapamahala at Pastol ng bayan ni Jehova na permanenteng magbabalik ng dalisay na pagsamba.

KABANATA 9

“Bibigyan Ko Sila ng Iisang Puso”

Ano ang ibig sabihin para sa atin ng mga hulang ibinigay sa tapat na mga Judiong tapon sa Babilonya?

KABANATA 10

“Mabubuhay Kayo”

Sa isang pangitain, nakakita si Ezekiel ng isang kapatagang punô ng tuyong buto, at nabuhay ang mga buto. Ano ang kahulugan nito?

KABANATA 11

“Inaatasan Kitang Maging Bantay”

Ano ang mga pananagutan ng bantay na ito? Anong babala ang dapat niyang ihayag?

KABANATA 12

“Gagawin Ko Silang Iisang Bansa”

Nangako si Jehova na pagkakaisahin niya ang bayan niya.

KABANATA 13

“Ilarawan Mo ang Templo”

Ano ang ibig sabihin ng templong nakita ni Ezekiel sa pangitain?

KABANATA 14

“Ito ang Kautusan sa Templo”

Anong mga aral ang malamang na natutuhan ng mga Judio noon sa templong nakita ni Ezekiel sa pangitain? At ano ang itinuturo nito sa atin ngayon?