Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tesalonica

Tesalonica

Ang pangunahing daungan ng Macedonia. Ang lunsod ay itinatag ni Cassander, na isa sa mga heneral ni Alejandrong Dakila, noong 316-315 B.C.E. Isinunod ni Cassander ang pangalan nito sa asawa niyang si Thessalonike, na kapatid ni Alejandro sa ama. Noong kalagitnaan ng ikalawang siglo B.C.E., naging sentro ng pamahalaang Romano sa Macedonia ang Tesalonica. (Tingnan ang MACEDONIA.) Nang magawa ang Daang Egnatia (ang rutang nagdurugtong sa Italy at Asia Minor), naging sentro din ng kalakalan ang lunsod. Naging maunlad ang lunsod na ito noong mga unang taon ng Imperyo ng Roma. Nang maitatag ang kongregasyong Kristiyano sa Tesalonica noong mga 50 C.E., isa na itong malaking lunsod. May mga lugar dito ng pagsamba para sa mga diyos-diyusan ng lunsod na iyon at ng ibang bayan at para sa kulto ng emperador. (Tingnan ang study note sa 1Te 1:9.) May sinagoga ng mga Judio sa Tesalonica, at maimpluwensiya ang mga Judio sa lunsod na ito.—Gaw 17:1-9; tingnan ang Ap. B13.