Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Banal; Kabanalan

Banal; Kabanalan

Likas na katangian ni Jehova; pagiging sagrado at malinis sa moral sa sukdulang antas. (Exo 28:36; 1Sa 2:2; Kaw 9:10; Isa 6:3) Kapag tumutukoy sa tao (Exo 19:6; 2Ha 4:9), hayop (Bil 18:17), bagay (Exo 28:38; 30:25; Lev 27:14), lugar (Exo 3:5; Isa 27:13), panahon (Exo 16:23; Lev 25:12), at gawain (Exo 36:4), ang salitang Hebreo para dito ay nangangahulugang pagiging hiwalay, bukod-tangi, o pinabanal para sa banal na Diyos; ibinukod para sa paglilingkod kay Jehova. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang mga salitang isinaling “banal” at “kabanalan” ay nagpapakita ng pagiging nakabukod para sa Diyos. Ang mga salitang ito ay tumutukoy rin sa kalinisan sa paggawi ng isang tao.—Mar 6:20; 2Co 7:1; 1Pe 1:15, 16.