Ebanghelyo
Karaniwang tawag sa unang apat na aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makikita sa mga aklat na ito ang buhay at ministeryo ni Jesu-Kristo.
Ang salitang “ebanghelyo” ay mula sa lumang salitang Ingles na godspel, na nangangahulugang “mabuting balita.” Sa ilang salin ng Bibliya, “ebanghelyo” ang ipinanunumbas sa salitang Griego na eu·ag·geʹli·on, na nangangahulugang “mabuting balita.” (Mat 4:23; 24:14; Mar 1:14) Sa Bibliya, ang ebanghelyo, o mabuting balita, ay tumutukoy sa mensahe tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa kaligtasan dahil sa pananampalataya kay Jesu-Kristo.
Nagsisimula ang ulat ni Marcos sa pananalitang: “Ang pasimula ng mabuting balita [o, “ebanghelyo”] tungkol kay Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos.” Ang ilang iskolar ay naniniwalang ito ang dahilan kung bakit ginamit ang terminong “ebanghelyo” para tukuyin ang apat na ulat.
Walang manunulat ng Ebanghelyo na nagpakilala sa sarili nila, pero may sapat na ebidensiya na ang nagsulat nito ay sina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Ang unang tatlong ebanghelyo ay tinatawag kung minsan na sinoptiko (nangangahulugang “magkakatulad na pananaw”) dahil halos pare-pareho ang paraan ng pagrerekord nila ng sinabi at ginawa ni Jesus. Pero hinayaan ng Diyos ang apat na lalaking ito na maipakita ang personalidad ng bawat isa sa paraan ng pagsulat nila.