Eksaherasyon
Sa Ingles, hyperbole. Isa itong tayutay. Pinapalabis nito ang isang bagay para idiin ang isang punto. Hindi ito dapat unawain nang literal.
Madalas gumamit si Jesus ng eksaherasyon sa pagtuturo. Halimbawa, sinabi niya: “Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng kapatid mo, pero hindi mo nakikita ang troso sa sarili mong mata?” (Mat 7:3) Ang isa pang halimbawa ay noong sabihin niya: “Walang isa mang buhok ang malalagas sa inyong ulo.” (Luc 21:18) Hindi naman ibig sabihin nito na literal na walang malalagas na buhok sa bawat alagad niya. Sa halip, sa paggamit ng eksaherasyon, tiniyak ni Jesus na mapoprotektahan ang mga tagasunod niya kahit ‘kapootan sila ng lahat ng tao.’—Luc 21:17.