Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hort, Fenton John Anthony

Hort, Fenton John Anthony

(1828-1892) Isang iskolar ng Bibliya at teologo na ipinanganak sa Dublin, Ireland, at nag-aral sa Cambridge University, England. Naging propesor si Hort sa Cambridge hanggang sa kaniyang kamatayan. Siya rin ay naging isang ordenadong ministro ng Church of England.

Si Hort, kasama si B. F. Westcott, ay gumawa ng isang akademikong edisyon ng tekstong Griego ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na pinamagatang The New Testament in Greek, na unang inilimbag noong 1881. Ang ginawa nila ay isa sa mga akademikong edisyon ng tekstong Griego na ginamit sa paghahanda ng orihinal na New World Translation at ng 2013 nirebisang edisyon.