Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kristiyanong Griegong Kasulatan

Kristiyanong Griegong Kasulatan

Tawag sa huling 27 aklat ng Bibliya, na kilala bilang Bagong Tipan. Ang mga aklat ay isinulat ng walong Kristiyanong Judio: sina Mateo, Marcos, Lucas, Juan, Pablo, Santiago, Pedro, at Judas. (Ro 3:1, 2) Lumilitaw na isinulat muna ni Mateo ang ulat niya sa wikang Hebreo bago ito isalin sa Griego. Ang kaniyang salin at ang lahat ng iba pang aklat ay isinulat sa wikang Koine, o karaniwang Griego. (Kaya tinawag itong “Griegong Kasulatan.”) Ang ‘Kristiyano’ naman ay tumutukoy sa nilalaman ng mga aklat, na tungkol sa buhay, ministeryo, at mga turo ni Jesu-Kristo at ng mga tagasunod niya noon. Ginamit din ang ‘Kristiyano’ para ipakita ang kaibahan ng bahaging ito ng Bibliya sa Septuagint, ang Griegong salin ng Hebreong Kasulatan na ginawa bago pa ang panahon ng mga Kristiyano.