Mishnah
Kalipunan ng berbal na batas at tradisyon ng mga Judio na nagbibigay-kahulugan sa nasusulat na Kautusan ng Diyos, partikular na ang ibinigay niya kay Moises. Tinipon ang mga ito at isinulat noong pasimula ng ikatlong siglo C.E.
Ang pangalang Mishnah ay mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “pag-uulit” o “tagubilin.” Naniniwala ang mga Ortodoksong Judio na sa Bundok Sinai, parehong ibinigay ng Diyos kay Moises ang nasusulat na Kautusan at ang berbal na tagubilin kung paano tutuparin ang Kautusan. Ang Mishnah ang naging pundasyon ng Talmud.
Sinasabing sinusuportahan ng Mishnah ang Kasulatan, pero kabaligtaran ang ginagawa nito. Ang totoo, pinapalabo nito ang mga kautusan at simulaing mula sa Diyos dahil sa pagtatakda ng napakaraming tuntunin at tradisyong gawa lang ng tao. (Mar 7:1, 13) Gayunman, nakakatulong ang Mishnah sa mga estudyante ng Bibliya dahil nakakapagbigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa ilang teksto sa Kasulatan at ipinapaliwanag din nito ang mga kaugalian ng mga Judio at ang pananaw nila tungkol sa pangalan ng Diyos.