Saling interlinear
Ang terminong “interlinear” ay galing sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “sa pagitan ng mga linya.” Sa pamamagitan ng ganitong mga salin, ang literal na pananalita ng mga teksto ay nakikita ng mga mambabasang hindi pamilyar sa orihinal na mga wikang ginamit sa Bibliya, kaya masusuri nila ang basehan ng salin sa wika nila.
Pero kadalasan nang mahirap maintindihan ang literal na salin dahil ang mga saling salita-por-salita ay nakabase sa gramatika ng pinagkunang wika. Kaya sa mga saling interlinear, karaniwan nang makikita sa margin ang katumbas na mga pananalita mula sa isang maaasahang salin ng Bibliya. Halimbawa, ginamit ng The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures (Mateo hanggang Apocalipsis) ang pananalitang nasa 1984 na rebisyong Ingles ng Bagong Sanlibutang Salin.