Septuagint
Ang pinakalumang salin ng Hebreong Kasulatan sa Griego. Ginawa ito para sa mga Judiong nagsasalita ng Griego. Nagsimula ang pagsasalin nito sa Ehipto noong ikatlong siglo B.C.E. at natapos nang sumunod na siglo.
Sinasabing mga 70 Judiong iskolar ang gumawa nito—kaya tinawag itong Septuagint mula sa Latin na Septuaginta, na nangangahulugang “70.” Karaniwan itong tinutukoy na LXX, ang numerong Romano para sa 70. Ginamit sa mga unang manuskrito ng Septuagint ang Griegong karakter o apat na letrang Hebreo na bumubuo sa Tetragrammaton (YHWH sa Ingles) para sa pangalan ng Diyos. Matapos isalin ang Hebreong kanon, idinagdag sa Septuagint ang apokripal na mga akda. Pero walang ebidensiya na tinanggap ng mga Kristiyanong manunulat ng Bibliya ang mga akdang ito, dahil hindi sila sumipi mula rito, samantalang madalas silang sumipi mula sa kanonikal na mga aklat na nasa Septuagint. Isa pa, may makahimalang kaloob ang ilang Kristiyano noong unang siglo, kaya malalaman nila kung anong mga aklat sa Bibliya ang galing sa Diyos.—1Co 12:4, 10.
Sa ngayon, malaking tulong ang Septuagint sa pag-aaral at pag-unawa sa Hebreong Kasulatan, at nakakatulong din ito para maintindihan ang ilang terminong Hebreo at Aramaiko na mahirap maunawaan.