Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tagakopya

Tagakopya

Sa Bibliya, tumutukoy ito sa isang tao na gumagawa ng kopya ng mga bahagi ng Kasulatan at ng ibang dokumento.​—Ezr 7:6.

Noong unang panahon, ang mga kopya ng mga dokumento ay sulat-kamay​—isang mabagal at mabusising proseso na nangangailangan ng kasanayan. (Aw 45:1) Ang mga tagakopya na binanggit sa Bibliya ay sina Ezra, Zadok, at Sapan. (Ne 12:26; 13:13; Jer 36:10) Nakatulong ang mga tagakopya para maingatan ang banal na Kasulatan kapag naluluma na ang orihinal na kopya. Kinailangan din ng mas maraming kopya ng Kasulatan dahil dumami ang nagbabasa nito. Karaniwan nang kasama sa trabaho ng tagakopya ang mabusising pagsusuri at pagtatama ng maling naisulat. Binibilang pa nga ng ilang tagakopya ang mga salita at letra ng dokumentong kinopya nila. Tiyak na nakatulong ang kasanayan at mabusising pagsusuri ng mga tagakopya para maingatan ang Salita ng Diyos sa loob ng daan-daang taon.