Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Talmud

Talmud

Kalipunan ng tradisyonal at berbal na kautusan, na naglalaman ng mga tuntuning sibil at panrelihiyon ng mga Judio. Binubuo ito ng dalawang pangunahing bahagi—ang Mishnah, isang kodigo ng kautusan, at ang Gemara, na nagpapaliwanag sa kodigong iyon.

May dalawang Talmud—ang Palestinian (mga 400 C.E.) at Babylonian (mga 600 C.E.). Mas mahaba at detalyado ang Babylonian Talmud, at itinuturing itong basehan ng rabinikong kautusan. Para sa mga Judio, sinusuportahan nito ang Hebreong Kasulatan. Sinasabi ng Talmud ang dapat na maging pagkilos ng mga tao sa bawat sitwasyon. Noong Edad Medya, mas pinapahalagahan na ng maraming Judio ang Talmud kaysa sa Kasulatan.

Nakakapagbigay ang Talmud ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga tradisyong Judio at interpretasyon nila sa Kasulatan, pero tinuturuan nito ang mga tao na maging napakahigpit sa pagsunod sa batas sa halip na tularan ang katarungan at pag-ibig ng Diyos. (Mat 23:23, 24; Luc 11:42) Makikita rin sa Talmud ang impluwensiya ng pamahiin at pilosopiyang Griego sa kaisipan ng mga Judio, kasama na ang paniniwalang may imortal na kaluluwa.—Tingnan ang study note sa Mat 15:2.