Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Vulgate

Vulgate

Salin ng Bibliya sa Latin na natapos noong mga 405 C.E. ng iskolar ng Bibliya na si Eusebius Hieronymus, mas kilala sa pangalang Jerome.

Noong panahon ni Jerome, maraming salin ng Bibliya sa Old Latin pero mababa ang kalidad nito. Dahil diyan, inatasan si Jerome na gumawa ng maaasahang salin sa Latin. Sinimulan niya ang pagsasalin sa mga Ebanghelyo gamit ang itinuturing niyang pinakamapagkakatiwalaang mga manuskritong Griego na mayroon noon. Pagkatapos, lumipat siya sa Hebreong Kasulatan at sinimulan niya ito sa pagsasalin ng Awit. Noong una, Septuagint ang batayan niya, pero nang maglaon, nagsalin na siya nang direkta mula sa wikang Hebreo. (Posibleng iba ang nagsalin sa ilang bahagi ng Vulgate.) Alam ni Jerome ang pangalan ng Diyos, pero hindi niya ito ginamit sa salin niya. Sa paunang salita para sa mga aklat ng Samuel at Hari, sinabi ni Jerome: “Makikita natin ang pangalan ng Diyos, ang Tetragrammaton [יהוה], sa ilang tomong Griego hanggang sa panahong ito na nakasulat sa sinaunang mga letra.”

Sa simula, kakaunti lang ang bumabasa sa salin ni Jerome, pero marami ring gumamit nito sa paglipas ng panahon. Nakilala itong Vulgate, mula sa salitang Latin na nangangahulugang “karaniwan” o “popular.” Matapos ang ilang rebisyon, ang Vulgate ng 1592 (kilala bilang bersiyong Sixtine Clementine) ang naging opisyal na saling ginagamit ng Simbahang Romano Katoliko. Sa ngayon, mayroon pang libo-libong manuskritong Vulgate.