Wikang Griego sa Bibliya
Wika sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ang pangunahing anyo ng wikang ginamit ay Koine, o karaniwang Griego, pero gumamit din ng ilang ekspresyon mula sa klasikal na Griego. Maliwanag na isinulat muna ang Ebanghelyo ni Mateo sa Hebreo, at nang maglaon ay isinalin ito sa Griegong Koine.
Dahil sa pananakop ni Alejandrong Dakila, lumaganap ang paggamit ng Koine sa silangang Mediteraneo mula mga 300 B.C.E. hanggang mga 500 C.E. Sinasabing noong ikatlong siglo B.C.E., sinimulang isalin ng mga iskolar na Judio ang Hebreong Kasulatan sa wikang Koine, kaya nagkaroon ng Septuagint. Malaki ang naging impluwensiya ng bokabularyo at istilong ginamit sa Hebreong Kasulatan sa Griegong ginamit sa Septuagint at sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.
Napakaraming nakakaintindi sa Koine noong panahong iyon. Ito ay pinaghalo-halong diyalektong Griego, pangunahin na ang Griegong Attic, pero pinasimple ang gramatika nito. Gayunman, malawak ang bokabularyo ng Koine, at kaya nitong palitawin ang maliliit na detalye ng isang ideya.