Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

SEKSIYON 3

Malawakang Ministeryo ni Jesus sa Galilea

‘Nagsimulang mangaral si Jesus: “Ang Kaharian ay malapit na.”’—Mateo 4:17

Malawakang Ministeryo ni Jesus sa Galilea

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 20

Ang Ikalawang Himala sa Cana

Pinagaling ni Jesus ang isang bata kahit mga 25 kilometro ang layo nito.

KABANATA 21

Sa Sinagoga sa Nazaret

Ano ang sinabi ni Jesus kung kaya gusto siyang patayin ng mga kababayan niya?

KABANATA 22

Apat na Alagad ang Magiging Mangingisda ng Tao

Tinawag niya sila para iwan ang pangingisda at simulan ang isa pang uri ng pangingisda.

KABANATA 23

Gumawa si Jesus ng Dakilang mga Bagay sa Capernaum

Nang magpalayas si Jesus ng mga demonyo, sinaway sila ni Jesus at pinatahimik dahil sinasabi nilang siya ang Anak ng Diyos. Bakit?

KABANATA 24

Pinalawak ang Kaniyang Ministeryo sa Galilea

Pumupunta kay Jesus ang mga tao para mapagaling sila, pero ipinaliwanag ni Jesus na may mas dakilang layunin ang kaniyang ministeryo.

KABANATA 25

Nahabag Siya sa Isang Ketongin at Pinagaling Ito

Sa isang simple pero nakaaantig na pagkilos, pinatunayan ni Jesus na talagang nagmamalasakit siya sa mga taong pinagagaling niya.

KABANATA 26

“Pinatatawad Na ang mga Kasalanan Mo”

Paano ipinakita ni Jesus ang kaugnayan ng kasalanan at ng pagkakasakit?

KABANATA 27

Tinawag si Mateo

Bakit kumain si Jesus kasama ng mga kilaláng makasalanan?

KABANATA 28

Bakit Hindi Nag-aayuno ang mga Alagad ni Jesus?

Sumagot si Jesus gamit ang ilustrasyon tungkol sa sisidlang balat.

KABANATA 29

Puwede Bang Gumawa ng Mabuti Kapag Sabbath?

Bakit pinag-usig ng mga Judio si Jesus nang pagalingin niya ang lalaking 38 taon nang may sakit?

KABANATA 30

Ang Kaugnayan ni Jesus sa Kaniyang Ama

Iniisip ng mga Judio na ginagawa ni Jesus ang kaniyang sarili na kapantay ng Diyos, pero nilinaw ni Jesus na ang Diyos ay nakatataas sa kaniya.

KABANATA 31

Pagpitas ng Butil sa Araw ng Sabbath

Bakit tinawag ni Jesus ang kaniyang sarili na “Panginoon ng Sabbath”?

KABANATA 32

Ano ang Tamang Gawin Kapag Sabbath?

Ang mga Saduceo at Pariseo, na karaniwan nang may alitan, ay nagkasundo sa isang bagay.

KABANATA 33

Tinupad ang Hula ni Isaias

Bakit inutusan ni Jesus ang mga pinagaling niya na huwag sabihin sa iba kung sino siya at kung ano ang ginawa niya?

KABANATA 34

Pumili si Jesus ng 12 Apostol

Ano ang pagkakaiba ng apostol at ng alagad?

KABANATA 35

Ang Tanyag na Sermon sa Bundok

Kumuha ng paliwanag tungkol sa pangunahing mga punto mula sa pahayag ni Jesus.

KABANATA 36

Ang Malaking Pananampalataya ng Isang Senturyon

Ano ang ginawa ng opisyal ng hukbong ito na ikinamangha ni Jesus?

KABANATA 37

Binuhay-Muli ni Jesus ang Anak ng Isang Biyuda

Naunawaan ng mga nakakita sa himalang ito ang tunay na kahulugan nito.

KABANATA 38

Gustong Makibalita ni Juan kay Jesus

Bakit nagtanong si Juan Bautista kung si Jesus ang Mesiyas? Nagdududa ba si Juan?

KABANATA 39

Kaawa-awa at Manhid na Henerasyon

Sinabi ni Jesus na sa Araw ng Paghuhukom, mas magaan pa ang parusa sa lupain ng Sodoma kaysa sa Capernaum, na naging tirahan niya nang ilang panahon.

KABANATA 40

Isang Aral sa Pagpapatawad

Nang sabihin ni Jesus sa isang babaeng imoral na pinatatawad na ang kasalanan nito, sinasabi ba ni Jesus na hindi masamang lumabag sa utos ng Diyos?

KABANATA 41

Mga Himala—Kaninong Kapangyarihan?

Inisip ng mga kapatid ni Jesus na nababaliw na siya.

KABANATA 42

Sinaway ni Jesus ang mga Pariseo

Ano ang “tanda ng propetang si Jonas”?

KABANATA 43

Mga Ilustrasyon Tungkol sa Kaharian

Naglahad si Jesus ng walong ilustrasyon tungkol sa mga aspekto ng Kaharian ng langit.

KABANATA 44

Pinatigil ni Jesus ang Isang Bagyo

Nang patigilin ni Jesus ang hangin at alon, nagturo siya ng isang mahalagang aral tungkol sa gagawin ng Kaharian sa hinaharap.

KABANATA 45

Mas Makapangyarihan Kaysa sa mga Demonyo

Puwede bang saniban ng higit pa sa isang demonyo ang isang tao?

KABANATA 46

Gumaling Nang Hipuin ang Damit ni Jesus

Ipinakita ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan at awa sa makabagbag-damdaming tagpong ito.

KABANATA 47

Nabuhay-Muli ang Isang Batang Babae!

Pinagtawanan ng mga tao si Jesus nang sabihin niyang hindi patay ang batang babae kundi natutulog lang. Ano ang alam niya na hindi nila alam?

KABANATA 48

Gumawa ng Himala, Pero Itinakwil Kahit sa Nazaret

Itinakwil ng mga taga-Nazaret si Jesus, hindi dahil sa kaniyang mga turo o himala, kundi dahil sa ibang bagay.

KABANATA 49

Pangangaral sa Galilea at Pagsasanay sa mga Apostol

Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ‘ang Kaharian ng langit ay malapit na’?

KABANATA 50

Handang Mangaral Kahit Pag-usigin

Bakit sinabi ni Jesus sa mga apostol na tumakas sila kapag pinag-usig gayong sinabi rin niya na hindi sila dapat matakot mamatay?

KABANATA 51

Pagpaslang sa Isang Selebrasyon ng Kaarawan

Gayon na lang ang tuwa ni Herodes sa pagsayaw ni Salome kaya nangako siyang ibibigay ang anumang hilingin nito. Ano ang karumal-dumal na hiniling nito?

KABANATA 52

Libo-libo ang Napakain sa Kaunting Tinapay at Isda

Gayon na lang kahalaga ang himalang ito ni Jesus kaya iniulat ito sa apat na Ebanghelyo.

KABANATA 53

Isang Tagapamahalang May Kontrol sa Kalikasan

Ano ang natutuhan ng mga apostol nang maglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig at pakalmahin ang hangin?

KABANATA 54

Si Jesus—“Ang Tinapay ng Buhay”

Bakit sinaway ni Jesus ang mga tao kahit na nagsikap silang puntahan siya?

KABANATA 55

Marami ang Nagitla sa Sinabi ni Jesus

May itinuro si Jesus na talagang nakakagilta kaya marami sa kaniyang mga alagad ang umiwan sa kaniya.

KABANATA 56

Ano ang Talagang Nagpaparumi sa Tao?

Ang pumapasok ba sa bibig, o ang lumalabas dito?

KABANATA 57

Pinagaling ni Jesus ang Isang Batang Babae at Isang Lalaking Bingi

Bakit hindi nagdamdam ang babae nang ikumpara ni Jesus ang mga kalahi nito sa maliliit na aso?

KABANATA 58

Pinarami ang Tinapay at Nagbabala Tungkol sa Lebadura

Naintindihan din ng mga alagad ni Jesus kung anong lebadura ang tinutukoy niya.

KABANATA 59

Sino ang Anak ng Tao?

Ano ang mga susi ng Kaharian? Sino ang gagamit sa mga ito, at paano?

KABANATA 60

Ang Pagbabagong-Anyo—Isang Sulyap sa Kaluwalhatian ni Kristo

Ano ang pagbabagong-anyo? Ano ang ibig sabihin nito?

KABANATA 61

Pinagaling ni Jesus ang Isang Binatilyong Sinasaniban ng Demonyo

Sinabi ni Jesus na ang kakulangan sa pananampalataya ay hindi makapagpapagaling. Pero sino ba ang dapat na may malakas na pananampalataya? Ang binatilyo, ang ama nito, o ang mga alagad ni Jesus?

KABANATA 62

Isang Mahalagang Aral sa Kapakumbabaan

May mahalagang matututuhan ang mga adulto mula sa isang bata.

KABANATA 63

Nagpayo si Jesus Tungkol sa Pagtisod at Kasalanan

Nagbigay siya ng tatlong hakbang kung paano lulutasin ang malubhang di-pagkakaunawaan ng magkakapananampalataya.

KABANATA 64

Kailangang Magpatawad

Gamit ang ilustrasyon tungkol sa walang-awang alipin, ipinakita ni Jesus kung ano ang tingin ng Diyos sa ating pagiging handang magpatawad sa iba.

KABANATA 65

Nagtuturo Habang Naglalakbay Patungo sa Jerusalem

Sa tatlong pakikipag-usap ni Jesus, ipinakita niya ang mga saloobing puwedeng makahadlang sa isang tao sa pagsunod sa kaniya.