SEKSIYON 6
Pagsuporta sa Kaharian—Pagtatayo at Pagbibigay ng Tulong
NANIBAGO ka pagdating mo sa inyong Kingdom Hall. Ipinagmamalaki mo ang gusaling ito. Baka nga naaalala mo pa nang tumulong ka sa pagtatayo nito mga ilang taon na ang nakararaan. Pero sa pagkakataong ito, mas ipinagmamalaki mo ang inyong Kingdom Hall dahil ginawa muna itong relief center. Matapos ang kamakailang bagyo, binaha ang inyong lugar at nasira ang maraming ari-arian. Mabilis na kumilos ang Komite ng Sangay para mapaglaanan ng pagkain, damit, malinis na tubig, at iba pang tulong ang mga biktima ng sakuna. Nakasalansan nang maayos ang ipinamamahaging mga suplay. Pumipila ang mga kapatid para kumuha ng mga pangangailangan nila, at marami sa kanila ang napapaluha sa kagalakan.
Sinabi ni Jesus na ang pagkakakilanlan ng mga tagasunod niya ay ang pag-ibig nila sa isa’t isa. (Juan 13:34, 35) Sa seksiyong ito, tatalakayin natin kung paano nakikita ang Kristiyanong pag-ibig sa mga proyekto ng pagtatayo at pagbibigay ng tulong ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga iyan ay matibay na patotoo na namumuhay na tayo sa ilalim ng Kaharian na pinamamahalaan ni Jesus.
SA SEKSIYONG ITO
KABANATA 18
Kung Paano Tinutustusan ang Gawaing Pang-Kaharian
Saan nanggagaling ang pera? Paano ito ginagamit?
KABANATA 19
Gawaing Pagtatayo na Nagpaparangal kay Jehova
Ang mga dako ng pagsamba ay nagpaparangal sa Diyos, pero hindi ang mga gusali ang pinakamahalaga sa kaniya.
KABANATA 20
Pagbibigay ng Tulong—Lumuluwalhati kay Jehova
Paano natin nalaman na ang pagtulong ay bahagi ng ating sagradong paglilingkod kay Jehova?