Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 2

Ang Diyos ang Maaari Mong Maging Pinakamabuting Kaibigan Kailanman

Ang Diyos ang Maaari Mong Maging Pinakamabuting Kaibigan Kailanman

Ang pagiging kaibigan ng Diyos ang pinakamabuting bagay na maaaring mangyari sa iyo kailanman. Ituturo sa iyo ng Diyos kung paano ka magiging maligaya at tiwasay; palalayain ka niya mula sa maraming maling paniniwala at nakapipinsalang mga gawain. Siya’y makikinig sa iyong mga panalangin. Tutulungan ka niyang magtamasa ng panloob na kapayapaan at pagtitiwala. (Awit 71:​5; 73:28) Aalalayan ka ng Diyos sa mga panahon ng kasakunaan. (Awit 18:18) At iniaalok sa iyo ng Diyos ang kaniyang kaloob na buhay na walang hanggan.​—Roma 6:23.

Habang lumalapit ka sa Diyos, mapapalapit ka sa mga kaibigan ng Diyos. Sila’y magiging mga kaibigan mo rin. Sa katunayan, sila’y magiging gaya ng iyong mga kapatid na lalaki at babae. Sila’y maliligayahang magturo sa iyo hinggil sa Diyos at tutulong sa iyo at magpapasigla sa iyo.

Tayo’y hindi kapantay ng Diyos. Habang sinisikap mong makipagkaibigan sa Diyos, dapat mong maunawaan ang isang mahalagang katotohanan. Ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay hindi isang pagkakaibigan ng dalawang magkapantay. Siya ay mas matanda at mas matalino at higit na makapangyarihan kaysa sa atin. Siya ang may karapatan na maging Tagapamahala natin. Kaya kung nais nating maging kaibigan niya, dapat na pakinggan natin siya at gawin kung ano ang ipinag-uutos niya sa atin. Ito’y laging makabubuti sa atin.​—Isaias 48:18.