Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 15

Ginagawa ng mga Kaibigan ng Diyos ang Mabuti

Ginagawa ng mga Kaibigan ng Diyos ang Mabuti

Kapag mayroon kang kaibigan na hinahangaan at iginagalang mo, sinisikap mong maging kagaya niya. “Mabuti at matuwid si Jehova,” ang sabi ng Bibliya. (Awit 25:8) Upang maging kaibigan ng Diyos, tayo’y dapat na maging mabuti at matuwid. Ang Bibliya ay nagsasabi: “Maging mga tagatulad kayo sa Diyos, gaya ng mga anak na iniibig, at patuloy na lumakad sa pag-ibig.” (Efeso 5:​1, 2) Narito ang ilang paraan upang magawa iyon:

Maging matulungin sa iba. “Gumawa tayo ng mabuti sa lahat.”​—Galacia 6:10.

Magtrabaho nang masikap. “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, kundi sa halip ay magtrabaho siya nang masikap, na gumagawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay ng mabuting gawa.”​—Efeso 4:28.

Manatiling malinis sa pisikal at sa moral. “Linisin natin mula sa ating mga sarili ang bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan na nasa pagkatakot sa Diyos.”​—2 Corinto 7:1.

Pakitunguhan ang mga miyembro ng iyong pamilya nang may pag-ibig at paggalang. “Ibigin . . . ng bawat isa sa inyo ang kani-kaniyang asawang babae gaya ng ginagawa niya sa kaniyang sarili; sa kabilang dako naman, ang asawang babae ay dapat na magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki. Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang.”​—Efeso 5:​33–6:1.

Magpakita ng pag-ibig sa iba. “Patuloy na mag-ibigan tayo sa isa’t isa, sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos.”​—1 Juan 4:7.

Sundin ang mga batas ng lupain. “Ang bawat kaluluwa ay magpasakop sa [pamahalaan] . . . Ibigay sa lahat ang kanilang kaukulan, sa kaniya na humihiling ng buwis, ang buwis.”​—Roma 13:​1, 7.