ARALIN 16
Ipakita ang Iyong Pag-ibig sa Diyos
Upang mapanatili ang isang kaibigan, kailangan kang makipag-usap sa kaniya. Ikaw ay nakikinig sa kaniya, at siya ay nakikinig sa iyo. Sinasabi mo rin sa iba ang mabubuting bagay tungkol sa iyong kaibigan. Gayundin ang pagiging isang kaibigan ng Diyos. Isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito:
Palagiang makipag-usap kay Jehova sa panalangin. “Magmatiyaga kayo sa pananalangin.”—Roma 12:12.
Basahin ang Salita ng Diyos, ang Bibliya. “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay.”—2 Timoteo 3:16.
Turuan ang iba tungkol sa Diyos. “Humayo kayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, . . . na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo.”—Mateo 28:19, 20.
Dumalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, . . . nagpapatibayang-loob sa isa’t isa.”—Hebreo 10:24, 25.
Tumulong sa pagsuporta sa gawaing pang-Kaharian. “[Ibigay] ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso, nang hindi masama ang loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang isang masayahing nagbibigay.”—2 Corinto 9:7.