Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 7

Isang Babala Mula sa Nakaraan

Isang Babala Mula sa Nakaraan

Hindi pahihintulutan ni Jehova na sirain ng masasamang tao ang Paraiso. Ang mga kaibigan lamang niya ang maninirahan doon. Ano ang mangyayari sa masasamang tao? Upang malaman ang kasagutan, isaalang-alang ang totoong istorya tungkol kay Noe. Si Noe ay nabuhay libu-libong taon na ang nakararaan. Siya’y isang mabuting tao na sa tuwina’y puspusang nagsisikap na magawa ang kalooban ni Jehova. Subalit ang ibang mga tao sa lupa ay gumawa ng masasamang bagay. Kaya sinabi ni Jehova kay Noe na Siya’y magpapadala ng baha upang lipulin ang lahat ng mga taong balakyot. Pinag-utusan niya si Noe na gumawa ng isang daong upang siya at ang kaniyang pamilya ay hindi mamatay pagsapit ng Baha.​—Genesis 6:​9-18.

Ginawa ni Noe at ng kaniyang pamilya ang daong. Nagbabala si Noe sa mga tao na darating ang Baha, subalit sila’y hindi nakinig sa kaniya. Sila’y patuloy na gumawa ng masasamang bagay. Nang matapos ang daong, nagdala si Noe ng mga hayop sa loob ng daong, at siya at ang kaniyang pamilya ay pumasok din doon. Pagkatapos ay nagpadala si Jehova ng isang malakas na bagyo. Umulan sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Ang tubig ay umapaw sa buong lupa.​—Genesis 7:​7-12.

Ang mga taong balakyot ay namatay, subalit si Noe at ang kaniyang pamilya ay nakaligtas. Iniligtas sila ni Jehova sa Baha tungo sa isang lupang nilinis sa kabalakyutan. (Genesis 7:​22, 23) Ang Bibliya ay nagsasabi na muling darating ang panahon na pupuksain ni Jehova ang mga ayaw gumawa ng mabuti. Ang mabubuting tao ay hindi mapupuksa. Sila’y mabubuhay magpakailanman sa Paraisong lupa.​—2 Pedro 2:​5, 6, 9.

Sa ngayon ay maraming tao ang gumagawa ng masasamang bagay. Ang sanlibutan ay punung-puno ng kaguluhan. Paulit-ulit na isinusugo ni Jehova ang kaniyang mga Saksi upang babalaan ang mga tao, subalit ang karamihan ay ayaw makinig sa mga salita ni Jehova. Ayaw nilang baguhin ang kanilang mga landasin. Ayaw nilang tanggapin ang sinasabi ng Diyos tungkol sa tama at mali. Ano ang mangyayari sa mga taong ito? Sila ba’y magbabago pa? Marami ang hindi na magbabago kailanman. Darating ang panahon na mapupuksa ang mga taong balakyot at hindi na kailanman mabubuhay pang muli.​—Awit 92:7.

Ang lupa ay hindi mawawasak; ito’y gagawing isang paraiso. Yaong magiging mga kaibigan ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman sa Paraiso sa lupa.​—Awit 37:29.