BAHAGI 4
Ang May-akda ng Pambihirang Aklat
BAGAMAN mga 96 na porsiyento ng mga Amerikano ang nag-aangking naniniwala sa Diyos, ang porsiyento ay higit na mababa sa mga tao sa Europa at Asia. Gayunman, kahit na sa mga bansa na ang karamihan ay nag-aangking hindi naniniwala sa isang personal na Diyos, may ilan na tumatanggap sa ideya na may di-kilalang puwersa na nagpangyari upang umiral ang materyal na sansinukob. Ang kilalang edukador na Hapones na si Yukichi Fukuzawa, na ang larawan ay nakikita sa perang papel na 10,000 yen, ay minsang sumulat: “Sinasabi na hindi nilikha ng langit ang isang tao na mas mataas o mas mababa kaysa sa ibang tao.” Sa paggamit ng salitang “langit,” tinutukoy ni Fukuzawa ang isang simulain ng kalikasan na sa palagay niya ay lumikha sa mga tao. Tinatanggap ng marami ang ideya ng gayong di-tiyak na “langit,” kagaya ni Kenichi Fukui na ginawaran ng Nobel. Nagpahayag siya ng paniniwala sa isang dakilang balangkas sa sansinukob—na sa relihiyosong pananalita ay katumbas ng “Diyos”—subalit tinawag ito na “kakaibang katangian ng kalikasan.”
2 Ang gayong marurunong ay naniniwala na may bagay o may isa na walang hanggan na nagpapakilos sa lahat ng bagay sa sansinukob. Bakit? Buweno, isaalang-alang ito: Ang Isaias 40:25, 26) Ang tekstong ito ay nagpapakita na may isa na nagpapakilos sa sansinukob—ang Pinagmumulan ng “dinamikong lakas.”
araw ay isang bituin na napakalaki anupat ito ay maaaring maglaman ng isang milyong lupa, subalit ito ay isa lamang butil sa galaksi ng Milky Way. Ang Milky Way, sa kabilang panig, ay isa lamang sa bilyun-bilyong galaksi sa sansinukob. Waring ipinahihiwatig ng makasiyensiyang pagsusuri na ang mga galaksing iyon ay lumalayo sa isa’t isa nang napakabilis. Upang mapakilos ang sansinukob, malamang na kinailangan ang pagkalaki-laking dinamikong lakas. Sino o ano ang pinagmumulan ng gayong lakas? “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito?” ang tanong ng Bibliya. “Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan. Dahil sa kasaganaan ng dinamikong lakas, palibhasa’y malakas din ang kaniyang kapangyarihan, walang isa man sa kanila ang nawawala.” (3 Isipin din ang buhay sa lupa. Maaari bang ang buhay ay nagsimula sa ganang sarili nito, gaya ng pag-aangkin ng mga ebolusyonista? Ang biyokemikong si Michael Behe ay nagsabi: “Ang siyensiya ay nakagawa ng pagkalaki-laking pagsulong upang maunawaan kung paano gumagana ang kimika ng buhay, subalit ang katumpakan sa siyensiya at kasalimuutan ng mga sistemang biyolohikal sa antas ng molekula ay nagpawalang-bisa sa pagsisikap ng siyensiya na ipaliwanag ang kanilang pinagmulan. . . . Maraming siyentipiko ang may pagmamatigas na nag-aangking taglay na nila ang mga paliwanag, o kaya’y malapit nang matamo ito, subalit walang masusumpungang suhay para sa gayong pag-aangkin sa propesyonal na mga literatura ng siyensiya. Higit na mahalaga, may matitinding dahilan—salig sa mismong kayarian ng mga [biomolecular] na sistema nito—upang isipin na ang paliwanag ni Darwin para sa mga mekanismo ng buhay ay magiging mahirap unawain sa habang panahon.”
4 Kayo ba ay talagang nasisiyahan sa teoriya na ang buhay ng tao ay lumitaw nang walang anumang talino na nagpangyari nito? Ating isaalang-alang bilang halimbawa ang itinuturing na “pinakamasalimuot na bagay sa sansinukob,” ang utak ng tao, at tingnan kung ano ang magiging konklusyon natin. “Ang nagagawa kahit na ng pinakabagong mga neural-network computer,” sabi ni Dr. Richard M. Restak, “ay humigit-kumulang sa isang ikasampung libong bahagi lamang ng . . . kakayahan ng isang karaniwang langaw.” Ang utak ng isang tao ay makapupong higit kaysa sa isang karaniwang langaw. Ito ay nakaprograma upang matuto ng mga wika. Kinukumpuni nito ang ganang sarili, binabago ang mga *
programa, at pinasusulong ang kakayahan nito. Walang pagsalang ikaw ay sasang-ayon na maging ang isang pinakamalakas na supercomputer na may “isang ikasampung libong bahagi ng kakayahan . . . ng isang karaniwang langaw” ay may isang matalinong disenyador. Kumusta naman ang utak ng tao?5 Mga 3,000 taon na ang nakalilipas, noong panahong hindi pa lubos na nauunawaan ng mga tao ang mga kababalaghan ng kanilang sariling pisikal na kayarian, isang manunulat ng Bibliya ang nagbulay-bulay sa kayarian ng katawan ng tao at nagsabi: “Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin. Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha, gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.” Kahit walang alam hinggil sa mga molekula ng DNA, siya’y sumulat: “Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito.” (Awit 139:14, 16) Sino ba ang tinutukoy niya? Sino ang nagluwal ng lahat ng mga bagay sa sansinukob sa pamamagitan ng ‘saganang dinamikong lakas’?
6 Ang pinakaunang talata sa Bibliya ay nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1) Siya rin ang May-akda ng Bibliya, ang Isa na kumasi sa mga nilalaman nito. Isinisiwalat niya ang kaniyang sarili bilang isang persona na sa kaniya’y maaari tayong magkaroon ng isang makabuluhang kaugnayan.
^ par. 4 Masisiyahan ka sa pagbabasa sa higit pang detalye sa mga kabanata 2 hanggang 4 ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?, na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.