Introduksiyon sa Seksiyon 11
Sa seksiyong ito magsisimula ang Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ipinanganak si Jesus sa isang mahirap na pamilya na nakatira sa isang maliit na nayon. Tumulong siya sa tatay niya sa pagkakarpintero. Si Jesus ang magliligtas sa sangkatauhan. Siya ang pinili ni Jehova na maging Hari sa Kaharian ng langit. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na makita kung paanong si Jehova ay maingat na pumili ng pamilya at kapaligirang kalalakhan ni Jesus. Tingnan kung paano iningatan ni Jehova si Jesus para hindi ito mapatay ni Herodes at kung paanong walang makakahadlang sa layunin ni Jehova. Alamin kung paano iniatas ni Jehova kay Juan ang paghahanda ng daan para
kay Jesus. Idiin kung paano ipinakita ni Jesus ang pagpapahalaga niya sa karunungan ni Jehova kahit noong bata pa siya.SA SEKSIYONG ITO
ARAL 68
Nagkaanak si Elisabet
Bakit sinabihan ang asawa ni Elisabet na hindi siya makapagsasalita hanggang sa maipanganak ang sanggol?
ARAL 70
Ibinalita ng mga Anghel na Ipinanganak si Jesus
Agad na kumilos ang mga pastol na nakarinig sa balita.
ARAL 73
Inihanda ni Juan ang Daan
Si Juan ay naging propeta. Itinuro niyang darating ang Mesiyas. Ano ang reaksiyon ng mga tao sa kaniyang mensahe?