Introduksiyon sa Seksiyon 12
Tinuruan ni Jesus ang mga tao tungkol sa Kaharian ng langit. Tinuruan din niya silang ipanalangin na pabanalin ang pangalan ng Diyos, na dumating ang Kaniyang Kaharian, at maganap ang Kaniyang kalooban dito sa lupa. Kung isa kang magulang, ipaliwanag sa iyong anak ang ibig sabihin ng panalanging iyan para sa atin. Hindi hinayaan ni Jesus na sirain ni Satanas ang katapatan niya. Pumili si Jesus ng kaniyang mga apostol, at sila ang mga naunang miyembro ng Kaharian. Pansinin ang kasigasigan ni Jesus para sa tunay na pagsamba. Dahil gusto ni Jesus na tumulong sa iba, nagpagaling siya ng mga maysakit, nagpakain ng mga nagugutom, at bumuhay pa nga ng mga patay. Sa pamamagitan ng mga himalang ito, ipinakita niya kung ano ang gagawin ng Kaharian para sa mga tao.
SA SEKSIYONG ITO
ARAL 74
Si Jesus ay Naging Mesiyas
Ano ang ibig sabihin ni Juan nang tawagin niyang Kordero ng Diyos si Jesus?
ARAL 75
Sinubok ng Diyablo si Jesus
Tatlong beses na sinubok ng Diyablo si Jesus. Ano ang mga tukso ng Diyablo? Ano ang ginawa ni Jesus?
ARAL 76
Nilinis ni Jesus ang Templo
Bakit itinaboy ni Jesus ang hayop mula sa templo at itinaob ang lamesa ng mga nagpapalit ng pera?
ARAL 77
Isang Babae sa Tabi ng Balon
Nagulat ang Samaritanang nasa tabi ng balon nang makipag-usap sa kaniya si Jesus. Bakit? Ano ang sinabi sa kaniya ni Jesus na hindi pa niya sinasabi sa iba?
ARAL 78
Ipinangaral ni Jesus ang Mensahe ng Kaharian
Niyaya ni Jesus ang ilang alagad niya na maging “mangingisda ng mga tao.” Nang maglaon, sinanay niya ang 70 tagasunod niya na ipangaral ang mabuting balita.
ARAL 79
Gumawa si Jesus ng Maraming Himala
Kahit saan pumunta si Jesus, sinusundan siya ng mga maysakit, at pinagagaling niya silang lahat. Binuhay-muli pa nga niya ang isang bata.
ARAL 80
Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
Bakit siya pumili ng mga apostol? Natatandaan mo ba ang mga pangalan nila?
ARAL 82
Tinuruan ni Jesus ang mga Alagad Kung Paano Manalangin
Anong mga bagay ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na patuloy na hilingin?
ARAL 83
Nagpakain si Jesus ng Libo-libo
Ano ang ipinapakita sa atin ng himalang ito tungkol kay Jesus at kay Jehova?
ARAL 84
Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
Ano kaya ang naramdaman ng mga apostol nang makita nila ang himalang ito?
ARAL 86
Binuhay-Muli ni Jesus si Lazaro
Nang makita ni Jesus na umiiyak si Maria, umiyak din siya. Pero di-nagtagal, naging masaya sila.