Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARAL 76

Nilinis ni Jesus ang Templo

Nilinis ni Jesus ang Templo

Noong taóng 30 C.E., mga buwan ng Abril, pumunta si Jesus sa Jerusalem. Marami ang dumating sa lunsod para sa Paskuwa. Naghahandog sila ng mga hayop kasi bahagi iyon ng selebrasyon. May mga nagdala ng sarili nilang hayop, at ang iba naman ay bumili sa Jerusalem.

Pagpunta ni Jesus sa templo, nakita niya doon ang mga nagtitinda ng hayop. Kumikita sila ng pera sa mismong bahay ng pagsamba kay Jehova! Ano ang ginawa ni Jesus? Gumawa siya ng panghagupit na lubid at itinaboy ang mga tupa at baka palabas ng templo. Itinaob niya ang mesa ng mga nagpapalit ng pera at ibinuhos ang kanilang mga barya. Sinabi ni Jesus sa mga nagbebenta ng kalapati: ‘Alisin n’yo dito ang mga iyan! Huwag kayong magnegosyo sa bahay ng aking Ama!’

Nagulat ang mga tao sa ginawa ni Jesus. Naalaala ng mga alagad niya ang hula tungkol sa Mesiyas: ‘Mag-aalab ang sigasig ko para sa bahay ni Jehova.’

Noong taóng 33 C.E., nilinis ulit ni Jesus ang templo. Hindi siya papayag na lapastanganin o hindi igalang ng sinuman ang bahay ng kaniyang Ama.

“Hindi kayo puwedeng maging alipin ng Diyos at ng Kayamanan.”—Lucas 16:13