Introduksiyon sa Seksiyon 14
Ipinangaral ng unang mga Kristiyano ang mabuting balita ng Kaharian hanggang sa pinakamalayong lugar sa lupa. Sinabi ni Jesus kung saan sila mangangaral at makahimala silang binigyan ng kakayahang magsalita ng iba’t ibang wikang ginagamit ng mga tao para maturuan nila ang mga ito. Binigyan sila ni Jehova ng katapangan at kapangyarihan para maharap nila ang pag-uusig.
Binigyan ni Jesus si apostol Juan ng pangitain tungkol sa kaluwalhatian ni Jehova. Sa isa pang pangitain, nakita ni Juan na tinalo ng Kaharian ng langit si Satanas at winakasan magpakailanman ang pamamahala nito. Nakita ni Juan na namamahala si Jesus bilang Hari pati na ang 144,000 kasamang tagapamahala. Nakita rin ni Juan na
naging paraiso ang buong lupa, at ang lahat ay payapa at nagkakaisang sumasamba kay Jehova.SA SEKSIYONG ITO
ARAL 94
Tumanggap ng Banal na Espiritu ang mga Alagad
Anong makahimalang kakayahan ang ibinigay ng banal na espiritu sa kanila?
ARAL 95
Walang Makapigil sa Kanila
Ang mga lider ng relihiyon na nagpapatay kay Jesus ay gustong patigilin ang mga alagad niya. Pero hindi nila kaya.
ARAL 96
Pinili ni Jesus si Saul
SI Saul ay isang malupit na kaaway ng mga Kristiyano, pero magbabago ito.
ARAL 97
Tumanggap ng Banal na Espiritu si Cornelio
Bakit pinapunta ng Diyos si Pedro sa bahay ng lalaking ito, na hindi Judio?
ARAL 98
Lumaganap sa Maraming Bansa ang Kristiyanismo
Si apostol Pablo at ang kaniyang kasamang mga misyonero ay nagsimulang mangaral ng mabuting balita sa malalayong lupain.
ARAL 99
Isang Guwardiya na Natuto ng Katotohanan
Ano ang kaugnayan ng demonyo, lindol, at espada sa kuwentong ito?
ARAL 100
Sina Pablo at Timoteo
Sa loob ng maraming taon, nagtulungan sila bilang magkaibigan at magkapatid sa pananampalataya.
ARAL 101
Dinala si Pablo sa Roma
Mapanganib ang paglalakbay, pero hindi nito mapipigilan ang apostol na ito.
ARAL 102
Ang Pagsisiwalat kay Juan
Binigyan siya ni Jesus ng sunod-sunod na pangitain tungkol sa hinaharap.
ARAL 103
“Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
Ipinapakita ng Pagsisiwalat kay Juan kung paano babaguhin ng Kaharian ng Diyos ang buhay sa lupa.