Indise ng mga Larawan
Ayon sa pahina
Pabalat Sina Pablo, Tabita, Galio, Lucas, guwardiya sa templo at mga apostol, isang Saduceo, at si Pablo habang inihahatid sa Cesarea; modernong-panahong pagpapatotoo at sound car at ponograpo.
Pahina 1 Si Pablo na nakatanikala at si Lucas, sakay ng barkong papuntang Roma.
Pahina 2, 3 Sina Brother J. E. Barr at Brother T. Jaracz ng Lupong Tagapamahala, sa tabi ng world map.
Page 11 Si Jesus habang inaatasan ang 11 tapat na apostol at iba pang tagasunod sa isang bundok sa Galilea.
Page 14 Pag-akyat ni Jesus sa langit; nakamasid ang mga apostol.
Page 20 Noong Pentecostes, kausap ng mga alagad ang mga dayuhan sa sariling wika ng mga ito.
Page 36 Nasa harap ng galit na galit na si Caifas ang mga apostol. Naghihintay naman ng utos mula sa Sanedrin ang mga guwardiya sa templo.
Page 44 Ibaba: Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, hinatulan ng isang hukuman sa East Germany ang mga Saksi bilang espiya ng mga Amerikano.—Neue Berliner Illustrierte, Oktubre 3, 1950.
Page 46 Nililitis ng Sanedrin si Esteban. Nasa kaliwa niya ang mayayamang Saduceo; nasa kanan naman ang mga panatikong Pariseo.
Page 54 Si Pedro habang nakapatong ang kamay sa isang bagong alagad; makikita si Simon na may hawak na lalagyan ng pera.
Page 75 Si Pedro at ang kaniyang mga kasama papasók sa bahay ni Cornelio. Si Cornelio ay may balabal sa kaliwang balikat na pagkakakilanlan ng mga senturyon.
Page 83 Si Pedro habang inaakay ng anghel; posibleng sa Tore ng Antonia ibinilanggo si Pedro.
Page 84 Ibaba: Pang-uumog malapit sa Montreal, Quebec, noong 1945.—Weekend Magazine, Hulyo 1956.
Page 91 Sina Pablo at Bernabe nang palabasin sila mula sa Antioquia ng Pisidia. Nasa likuran ang bagong paagusan ng lunsod, na malamang na itinayo noong pasimula ng unang siglo C.E.
Page 94 Sina Pablo at Bernabe habang tinatanggihan ang papuri ng mga taga-Listra. Karaniwan nang makulay, maingay, at puro tugtugan ang pangmadlang mga paghahandog.
Page 100 Itaas: Pinapatibay nina Silas at Hudas ang kongregasyon sa Antioquia ng Sirya. (Gawa 15:30-32) Ibaba: Nagpapahayag ang tagapangasiwa ng sirkito sa isang kongregasyon sa Uganda.
Page 107 Ang kongregasyon sa Jerusalem habang nagpupulong sa isang bahay.
Page 124 Sina Pablo at Timoteo sakay ng isang barkong pangkalakal ng Roma. Matatanaw sa malayo ang isang parola.
Page 139 Sina Pablo at Silas habang tumatakas mula sa galit na mga mang-uumog.
Page 155 Si Galio habang pinagsasalitaan ang mga nag-aakusa kay Pablo. May suot siyang maharlikang puting toga na may malapad na guhit na kulay purpura at sapatos na calcei.
Page 158 Si Demetrio, kausap ang mga panday-pilak sa isang tindahan sa Efeso na nagbebenta ng mga dambanang pilak ni Artemis.
Page 171 Si Pablo at ang kaniyang mga kasama pasakay ng barko. Makikita sa likuran ang Great Harbor Monument, itinayo noong unang siglo B.C.E.
Page 180 Ibaba: Habang ipinagbabawal ang mga literatura noong 1940’s sa Canada, isang kabataan ang nagpupuslit ng mga literatura sa Bibliya. (Pagsasadula.)
Page 182 Sumang-ayon si Pablo sa kahilingan ng matatanda. Nakaupo sa likuran sina Lucas at Timoteo, ang mga kasama niya sa pagdadala ng mga abuloy.
Page 190 Kausap ng pamangkin ni Pablo si Claudio Lisias sa Tore ng Antonia, kung saan posibleng nakabilanggo si Pablo. Makikita sa malayo ang templo ni Herodes.
Page 206 Nananalangin si Pablo sa harap ng mga kasama niyang naglalakbay habang nasa bodega ng barkong pangkalakal.
Page 222 Pinagmamasdan ng bilanggong si Pablo, nakatanikala sa isang sundalong Romano, ang isang bahagi ng lunsod ng Roma.