Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

SEKSIYON 1 • GAWA 1:1–6:7

“Pinalaganap Ninyo sa Buong Jerusalem ang Turo Ninyo!”

“Pinalaganap Ninyo sa Buong Jerusalem ang Turo Ninyo!”

GAWA 5:28

Mula nang ibuhos ang banal na espiritu sa mga alagad ni Jesus noong Pentecostes 33 C.E., naging abala na sila sa gawaing pagpapatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sa seksiyong ito, tatalakayin natin ang kapana-panabik na ulat tungkol sa pasimula ng kongregasyong Kristiyano, sa pinag-ibayong pagpapatotoo sa Jerusalem, at sa matatag na paninindigan ng mga apostol sa harap ng tumitinding pagsalansang.