Magandang Balita Mula sa Diyos!
Ano ang magandang balita mula sa Diyos? Bakit natin mapaniniwalaan ito? Sinasagot ng brosyur na ito ang karaniwang mga tanong tungkol sa Bibliya.
Kung Paano Makakatulong sa Iyo ang Brosyur na Ito
Matutulungan ka ng brosyur na ito na matuto mula mismo sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Alamin kung paano mo mahahanap ang mga teksto sa sarili mong Bibliya.
ARALIN 1
Ano ang Magandang Balita?
Alamin kung ano ang balitang galing sa Diyos, kung bakit napakahalaga nito ngayon, at kung ano ang dapat mong gawin.
ARALIN 3
Talaga Bang Galing sa Diyos ang Magandang Balita?
Paano tayo nakakasiguro na totoo ang mensahe ng Bibliya?
ARALIN 4
Sino si Jesu-Kristo?
Alamin kung bakit namatay si Jesus, kung ano ang pantubos, at kung ano ang ginagawa ni Jesus ngayon.
ARALIN 5
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
Ipinapaliwanag ng Bibliya kung bakit ginawa ng Diyos ang lupa, kung kailan matatapos ang pagdurusa, at kung ano ang mangyayari sa lupa at sa mga nakatira dito.
ARALIN 6
Ano ang Pag-asa ng mga Patay?
Ano ang nangyayari kapag namatay tayo? Makikita pa ba nating muli ang mga namatay nating mahal sa buhay?
ARALIN 8
Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?
Paano nagsimula ang kasamaan, at bakit hanggang ngayon ay hinahayaan ng Diyos ang pagdurusa? Mawawala pa ba ang pagdurusa?
ARALIN 9
Paano Magiging Masaya ang Inyong Pamilya?
Gusto ni Jehova, ang maligayang Diyos, na maging masaya ang mga pamilya. Alamin ang magagandang payo ng Bibliya para sa mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, at mga anak.
ARALIN 10
Paano Mo Malalaman Kung Alin ang Tunay na Relihiyon?
Iisa lang ba ang tunay na relihiyon? Alamin ang limang pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.
ARALIN 11
Paano Nakakatulong sa Atin ang mga Simulain ng Bibliya?
Sinabi ni Jesus kung bakit kailangan natin ng patnubay at kung ano ang dalawang pinakamahalagang simulain ng Bibliya.
ARALIN 12
Paano Ka Magiging Malapít sa Diyos?
Alamin kung nakikinig ang Diyos sa lahat ng panalangin, kung paano tayo dapat manalangin, at kung ano pa ang puwede nating gawin para maging malapít sa Diyos.
ARALIN 13
Ano ang Mangyayari sa mga Relihiyon?
Darating ba ang panahon na ang lahat ay magkakaisa sa pagsamba sa tanging tunay na Diyos?
ARALIN 14
Bakit Bumuo ng Isang Organisasyon ang Diyos?
Sinasabi ng Bibliya kung bakit at kung paano inorganisa ang mga tunay na Kristiyano.
ARALIN 15
Bakit Dapat Kang Magpatuloy?
Paano mo magagamit ang natututuhan mo tungkol sa Diyos para matulungan ang iba? Anong uri ng kaugnayan sa Diyos ang bukás sa iyo?