Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

APENDISE B

Dapat Mo Na Bang Tapusin ang Pag-uusap?

Dapat Mo Na Bang Tapusin ang Pag-uusap?

Kapag may isang taong nagtanong at talagang interesado siya na malaman ang sagot, gusto nating ituloy ang pakikipag-usap sa kaniya. Gusto kasi nating kausapin ang mga taong “nakaayon sa buhay na walang hanggan.”​—Gawa 13:48.

Pero paano kung galit ang isang tao, gusto lang makipagtalo, o ayaw niya talagang makipag-usap sa pagkakataong iyon? Maging kalmado at magalang na tapusin ang pag-uusap. (Kaw. 17:14) Kapag maayos tayong nagpaalam, baka makipag-usap na siya sa atin sa susunod.​—1 Ped. 2:12.