APENDISE C
Kung Paano Magba-Bible Study Gamit ang Masayang Buhay Magpakailanman
Talagang ipinanalangin at pinag-aralang mabuti ang impormasyon sa Masayang Buhay Magpakailanman. Para magamit nang husto ang publikasyong ito, sundin ang sumusunod na mga paraan sa pagba-Bible study.
Bago ang study
-
1. Maghandang mabuti. Habang naghahanda, pag-isipan ang kailangan, sitwasyon, at pananaw ng Bible study mo. Tingnan kung anong mga punto ang posibleng mahirap para sa kaniya na maintindihan o maisabuhay. Pag-isipan kung paano makakatulong sa kaniya ang seksiyong “Tingnan Din,” at maghanda para magamit iyon sa pag-aaral ninyo kung kailangan.
Habang nag-i-study
-
2. Kung okey sa Bible study mo, manalangin bago at pagkatapos ng pag-aaral.
-
3. Huwag magsalita nang magsalita. Magpokus sa impormasyong nasa publikasyon, at hayaan mong sabihin ng Bible study mo ang niloloob niya.
-
4. Kapag magbubukas ng bagong seksiyon, basahin ang pokus ng seksiyong iyon at banggitin ang pamagat ng ilang aralin.
-
5. Pagkatapos ng isang seksiyon, gamitin ang review para tulungan ang Bible study mo na maalala ang mga natutuhan niya.
-
6. Habang pinag-aaralan ninyo ang bawat aralin:
-
Basahin ang mga parapo sa unang bahagi.
-
Basahin ang lahat ng teksto na may nakalagay na “Basahin.”
-
Basahin ang ibang binanggit na teksto kung kailangan.
-
I-play ang lahat ng video na may nakalagay na “Panoorin” (kung posible).
-
Itanong sa Bible study ang bawat tanong.
-
Sabihin sa Bible study mo na tingnan ang artwork sa seksiyong “Pag-aralan,” at tanungin kung ano ang masasabi niya.
-
Gamitin ang kahong “Subukan Ito” para tulungan ang Bible study mo na makita ang pagsulong niya. Puwede mong ipasubok sa kaniya ang mungkahi sa kahon, iba pang goal, o pareho.
-
Tanungin ang Bible study mo kung may partikular na artikulo o video siyang nagustuhan sa seksiyong “Tingnan Din” noong naghahanda siya.
-
Sikaping matapos ang aralin sa isang pag-aaral lang.
-
Pagkatapos ng study
-
7. Patuloy na pag-isipan ang kalagayan ng Bible study mo. Ipanalangin kay Jehova na pagpalain ang pagsisikap niya at na malaman mo kung paano siya tutulungan.