PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP
ARALIN 1
May Interes sa Kausap
Prinsipyo: “Hindi inuuna [ng pag-ibig] ang sariling kapakanan.”—1 Cor. 13:4, 5.
Ang Ginawa ni Jesus
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 4:6-9. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
-
Ano ang napansin ni Jesus sa babae bago niya ito kausapin?
-
Sinabi ni Jesus: “Puwede mo ba akong bigyan ng maiinom?” Bakit epektibo iyan sa pagpapasimula ng pakikipag-usap?
Ang Matututuhan Natin kay Jesus
2. Malamang na maging maganda ang pag-uusap kung gusto ng kausap natin ang paksa.
Tularan si Jesus
3. Makibagay. Huwag mong ipilit na ipakipag-usap ang paksang pinaghandaan mo. Gumamit ng paksa na posibleng iniisip ng iba sa panahong iyon. Pag-isipan:
-
‘Ano ba ang laman ng balita?’
-
‘Ano ang pinag-uusapan ng mga kapitbahay ko, katrabaho, o kaklase?’
4. Magmasid. Pag-isipan:
-
‘Ano ang ginagawa ng kakausapin ko? Ano kaya ang nasa isip niya?’
-
‘Ano ang ipinapakita ng damit niya, hitsura, o bahay tungkol sa paniniwala o kultura niya?’
-
‘Okey lang ba sa kaniya na kausapin ko siya ngayon?’
5. Makinig.
-
Huwag magsalita nang magsalita.
-
Tulungan siyang masabi ang iniisip niya. Kung angkop, tanungin mo siya.