PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP
ARALIN 2
Natural
Prinsipyo: “Ang salitang sinabi sa tamang panahon—napakabuti nito!”—Kaw. 15:23.
Ang Ginawa ni Felipe
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 8:30, 31. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
-
Paano sinimulan ni Felipe ang pakikipag-usap sa Etiope?
-
Bakit natin masasabing natural na paraan ito ng pagpapasimula ng pakikipag-usap at pagtuturo ng bagong impormasyon sa lalaki?
Ang Matututuhan Natin kay Felipe
2. Kung hahayaan nating maging natural ang pag-uusap, malamang na maging palagay ang loob niya at pakinggan ang mensahe natin.
Tularan si Felipe
3. Magmasid. Marami tayong malalaman sa ekspresyon ng mukha ng isang tao at sa mga kilos niya. Sa tingin mo, gusto ba niyang makipag-usap sa iyo? Puwede mong ipasok ang isang paksa tungkol sa Bibliya kung itatanong mo, “Alam mo bang . . . ?” Huwag mo siyang piliting makipag-usap kung ayaw niya.
4. Magtiyaga. Huwag mong isiping dapat mong ipasok agad ang Bibliya sa usapan. Maghintay ng tamang pagkakataon para natural mong maipasok iyon. Baka nga magawa mo iyan sa susunod pa ninyong pag-uusap.
5. Makibagay. Hindi mo alam kung saan puwedeng mapunta ang usapan. Kaya bumanggit ng isang paksa na makakatulong sa kausap mo, kahit hindi iyon ang pinaghandaan mo.