PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP
ARALIN 5
Mataktika
Prinsipyo: “Laging maging mabait sa inyong pananalita, na tinitimplahan ito ng asin.” —Col. 4:6.
Ang Ginawa ni Pablo
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 17:22, 23. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
-
Ano ang naramdaman ni Pablo nang makita niya ang huwad na pagsamba ng mga taga-Atenas?—Tingnan ang Gawa 17:16.
-
Imbes na hatulan ang mga taga-Atenas, paano mataktikang ginamit ni Pablo ang mga paniniwala nila para maibahagi ang mabuting balita?
Ang Matututuhan Natin kay Pablo
2. Malamang na makinig ang mga tao sa atin kung pag-iisipan nating mabuti ang sasabihin natin, pati na kung paano at kailan ito sasabihin.
Tularan si Pablo
3. Piliin ang mga salitang gagamitin mo. Halimbawa, kapag hindi Kristiyano ang kausap mo, baka kailangan mong i-adjust ang paraan kung paano mo ipapasok ang Bibliya o tutukuyin si Jesus.
4. Huwag agad itama ang kausap mo. Hayaan mo siyang magsalita. Kung hindi kaayon ng Bibliya ang sinasabi niya, huwag siyang kontrahin. (Sant. 1:19) Kung pakikinggan mo siya, mas maiintindihan mo ang pinaniniwalaan niya.—Kaw. 20:5.
5. Kung wala namang mali sa sinabi niya, sang-ayunan siya at komendahan. Baka para sa kaniya, tama talaga ang paniniwala niya. Pag-usapan muna ang isang bagay na mapagkakasunduan ninyo. Pagkatapos, unti-unting ipaliwanag sa kaniya kung ano ang itinuturo ng Bibliya.