PAGDALAW-MULI
ARALIN 8
Matiisin
Prinsipyo: “Ang pag-ibig ay matiisin.”—1 Cor. 13:4.
Ang Ginawa ni Jesus
1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 7:3-5 at 1 Corinto 15:3, 4, 7. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:
-
Noong una, paano tumugon ang mga kapatid ni Jesus sa mensahe niya?
-
Bakit natin masasabi na hindi sinukuan ni Jesus ang kapatid niyang si Santiago?
Ang Matututuhan Natin kay Jesus
2. Kailangan nating maging matiisin dahil hindi agad tinatanggap ng ilan ang mabuting balita.
Tularan si Jesus
3. Sumubok ng ibang paraan. Kung hindi agad pumayag magpa-Bible study ang kausap mo, huwag siyang pilitin. Kung angkop, gumamit ng mga video o artikulo para maintindihan niya kung ano ang ginagawa sa pag-aaral ng Bibliya at kung ano ang maitutulong nito sa kaniya.
4. Huwag magkumpara. Magkakaiba ang mga tao. Kung nag-aalangan ang isang kapamilya o RV na magpa-Bible study o nahihirapan siyang tanggapin ang isang turo sa Bibliya, pag-isipan kung bakit. May paniniwala ba siyang napakahalaga sa kaniya? Pine-pressure ba siya ng mga kamag-anak o kapitbahay niya? Bigyan mo siya ng panahong mapag-isipan ang mga sinabi mo at mapahalagahan ang sinasabi ng Bibliya.
5. Ipanalangin ang nakausap mong interesado. Hilingin kay Jehova na makapanatili kang positibo at mataktika. Ipanalangin na tulungan ka sanang malaman kung talaga bang interesado ang kausap mo at kung dapat ka nang huminto sa pagdalaw-muli.—1 Cor. 9:26.