Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAGDALAW-MULI

ARALIN 9

May Empatiya

May Empatiya

Prinsipyo: “Makipagsaya sa mga nagsasaya; makiiyak sa mga umiiyak.”​—Roma 12:15.

Ang Ginawa ni Jesus

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Marcos 6:30-34. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Bakit pumunta si Jesus at ang mga apostol “sa isang lugar na malayo sa mga tao”?

  2. Bakit napakilos si Jesus na turuan ang mga tao?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Kapag may empatiya tayo, iniisip natin ang mga tao, hindi lang ang mensahe natin.

Tularan si Jesus

3. Makinig mabuti. Hayaan mong sabihin ng kausap mo ang niloloob niya. Huwag sumabat o bale-walain ang nararamdaman niya, ikinababahala, o pagtutol. Kung makikinig kang mabuti, maipapakita mong mahalaga sa iyo ang iniisip niya.

4. Pag-isipan ang sitwasyon ng nakausap mo. Base sa naging pag-uusap ninyo, pag-isipan:

  1. ‘Bakit kailangan niyang malaman ang katotohanan?’

  2. ‘Paano makakatulong sa kaniya ang pag-aaral ng Bibliya para mapabuti ang buhay niya ngayon at sa hinaharap?’

5. Pag-usapan ang isang espesipikong paksang makakatulong sa kaniya. Sikaping makapagpasimula agad ng Bible study para maipakita kung paano nito masasagot ang mga tanong niya at na makakatulong ito sa kaniya.