Introduksiyon
Ang Diyos ay tulad ng isang mapagmahal na ama. 1 Pedro 5:6, 7
Ang Diyos ang ating Maylalang, at nagmamalasakit siya sa atin. Gaya ng isang marunong at mapagmahal na ama na nagtuturo sa kaniyang mga anak, itinuturo sa atin ng Diyos ang pinakamabuting paraan ng pamumuhay.
Ipinaaalam ng Diyos ang mahahalagang katotohanan na nagpapasaya at nagbibigay sa atin ng pag-asa.
Kung makikinig ka sa Diyos, papatnubayan ka niya, iingatan, at tutulungan sa iyong mga problema.
Pero hindi lang iyan—mabubuhay ka magpakailanman!