BAHAGI 5
Ang Malaking Baha—Sino ang Nakinig? Sino ang Hindi?
Gumagawa ng masama ang karamihan noong panahon ni Noe. Genesis 6:5
Nagkaroon ng mga anak sina Adan at Eva, at dumami ang tao sa lupa. Nang maglaon, sumama ang ibang anghel kay Satanas sa pagrerebelde.
Bumaba sila sa lupa, nagkatawang-tao, at nag-asawa ng mga babae. Nagsilang ang mga ito ng mga anak na mababangis at mas malalakas kaysa sa mga tao.
Napunô ng masasamang tao ang lupa. Sinasabi ng Bibliya na “laganap na sa lupa ang kasamaan ng tao at ang laman ng isip at puso nito ay lagi na lang masama.”
Genesis 6:13, 14, 18, 19, 22
Nakinig si Noe sa Diyos at nagtayo ng arka.Mabuting tao si Noe. Sinabi ni Jehova kay Noe na pupuksain Niya ang masasama sa pamamagitan ng isang malaking baha.
Inutusan din ng Diyos si Noe na gumawa ng isang malaking bangka, o arka, at pumasok doon kasama ang pamilya niya at ang lahat ng uri ng hayop.
Nagbabala si Noe sa mga tao tungkol sa paparating na Baha, pero hindi sila nakinig. Pinagtawanan ng ilan si Noe; nagalit naman ang iba sa kaniya.
Nang matapos ang arka, ipinasok ni Noe ang mga hayop.