BAHAGI 10
Anong mga Pagpapala ang Matatanggap ng mga Nakikinig sa Diyos?
Karamihan sa mga patay ay bubuhaying muli sa lupa. Gawa 24:15
Isipin ang mga pagpapalang tatanggapin mo kung makikinig ka kay Jehova! Hindi ka na magkakasakit; wala na ring may kapansanan. Wala nang masasamang tao, at mapagkakatiwalaan mo ang kahit sino.
Mawawala na ang kirot, kalungkutan, at pagluha. Wala nang tatanda at mamamatay.
Makakasama mo ang iyong pamilya at mga kaibigan. Magiging maligaya ang buhay sa Paraiso.
Wala nang takot. Magiging tunay na maligaya ang mga tao.