Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 4

Nakinig Sila kay Satanas—Ano ang Epekto?

Nakinig Sila kay Satanas—Ano ang Epekto?

Sumuway sina Adan at Eva sa Diyos kaya namatay sila. Genesis 3:6, 23

Nakinig si Eva sa ahas at kumain ng bunga. Pagkatapos, binigyan niya si Adan, at kumain din ito.

Mali ang ginawa nila—kasalanan iyon. Pinalayas sila ng Diyos sa Paraiso.

Naging mahirap ang buhay nila at ng kanilang mga anak. Tumanda sila at namatay. Hindi sila napunta sa daigdig ng mga espiritu; hindi na sila umiral.

Ang mga patay ay gaya ng alabok na walang buhay. Genesis 3:19

Lahat tayo ay namamatay dahil galing tayo kina Adan at Eva. Ang mga patay ay wala nang nakikita, naririnig, o nagagawa.​—Eclesiastes 9:5, 10.

Ayaw ni Jehova na mamatay ang mga tao. Di-magtatagal, bubuhayin niyang muli ang mga namatay. At kung makikinig sila sa kaniya, mabubuhay sila magpakailanman.