Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Konklusyon

Konklusyon

Naaalaala mo ba ang masasayang araw mo kasama ng mga lingkod ni Jehova—isang nakapagpapatibay na pulong sa kongregasyon, kapana-panabik na kombensiyon, masayang karanasan sa ministeryo, o kahit pakikipagkuwentuhan lang sa isang kapananampalataya? Kung oo, hindi mo pa nalilimutan si Jehova at hindi ka rin niya nalilimutan. Naaalaala niya ang iyong tapat na paglilingkod. At gustong-gusto ka niyang tulungang makapanumbalik sa kaniya.

“Ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa,” ang sabi ni Jehova, “at aalagaan ko sila. Aalagaan ko ang aking mga tupa gaya ng pastol na natagpuan ang nangalat niyang mga tupa at nagpapakain sa mga ito. Ililigtas ko ang mga tupa saanman nangalat ang mga ito.”​—Ezekiel 34:11, 12.