Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 02

Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya

Nagbibigay ng Pag-asa ang Bibliya

Maraming problema ang mga tao ngayon, kaya nalulungkot sila, nag-aalala, at nasasaktan. Naramdaman mo na rin ba iyan? Baka nahihirapan ka dahil may sakit ka o namatayan ka ng isang mahal sa buhay. Baka maisip mo, ‘Gaganda pa kaya ang buhay ko?’ Matutuwa ka sa sagot ng Bibliya sa tanong na iyan.

1. Anong pag-asa ang ibinibigay ng Bibliya?

Sinasabi ng Bibliya kung bakit marami tayong problema. At sinasabi rin nito na pansamantala lang ang mga problema at malapit na itong mawala. Ang mga pangako sa Bibliya ay magbibigay sa iyo ng “magandang kinabukasan at pag-asa.” (Basahin ang Jeremias 29:11, 12.) Matutulungan ka ng mga pangakong iyon na makayanan ang mga problema, maging positibo sa buhay, at maging tunay na masaya.

2. Paano inilarawan ng Bibliya ang mangyayari sa hinaharap?

Sinasabi ng Bibliya na sa hinaharap, “mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.” (Basahin ang Apocalipsis 21:4.) Nawawalan ng pag-asa ang mga tao dahil sa mga problema, gaya ng kahirapan, kawalang-katarungan, pagkakasakit, at kamatayan. Pero aalisin ang lahat ng ito. Nangangako ang Bibliya na mabubuhay magpakailanman ang mga tao sa Paraisong lupa.

3. Paano ka makakapagtiwala sa pag-asang ibinibigay ng Bibliya?

Umaasa ang maraming tao na may mangyayaring magagandang bagay. Pero hindi sila sigurado kung mangyayari nga iyon. Hindi ganiyan pagdating sa mga pangako ng Bibliya. Kung ‘maingat nating susuriin ang Kasulatan,’ makakapagtiwala tayo sa sinasabi nito. (Gawa 17:11) Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya, malalaman mo kung totoo ang mga sinasabi nito tungkol sa hinaharap.

PAG-ARALAN

Pag-aralan ang mga pangako ng Bibliya na mangyayari sa hinaharap. Tingnan kung paano nakakatulong ang mga pag-asang ito sa mga tao ngayon.

4. Nangangako ang Bibliya na mabubuhay tayo magpakailanman nang walang problema

Tingnan ang mga pangako ng Bibliya na makikita sa ibaba. Ano diyan ang mga pinakanagustuhan mo? Bakit iyan ang napili mo?

Basahin ang mga teksto kung saan makikita ang mga pangakong napili mo. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Nabigyan ka ba ng pag-asa ng mga tekstong ito? Kapag nalaman ito ng mga kapamilya at kaibigan mo, magkakaroon din kaya sila ng pag-asa?

Isiping nabubuhay ka sa isang mundo na

WALA NANG . . .

ANG LAHAT AY . . .

  • kirot o masasaktan, tatanda, at mamamatay.​—Isaias 25:8.

  • magiging masaya kapag binuhay nang muli sa lupa ang mga mahal nila sa buhay.​—Juan 5:28, 29.

  • magkakaroon ng magandang kalusugan, at magiging malakas kagaya ng isang kabataan.​—Job 33:25.

  • magdurusa dahil sa mga digmaan.​—Awit 46:9.

  • magdurusa dahil sa negatibong kaisipan o mapapait na alaala.​—Isaias 65:17.

  • mabubuhay magpakailanman sa isang maayos at magandang kalagayan.​—Awit 37:29.

5. Malaki ang nagagawa ng mga pangako ng Bibliya

Dahil sa mga problema sa mundo, maraming tao ang nawawalan ng pag-asa o nagagalit pa nga. Sinisikap naman ng ilan na gumawa ng mga pagbabago. Tingnan kung paano natulungan ng mga pangako ng Bibliya ang mga tao ngayon. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Sa video, anong di-patas na pagtrato ang nakita ni Rafika?

  • Kahit may pagtatangi pa rin ng lahi, paano siya natulungan ng Bibliya?

Kapag nagtiwala ka sa mga pangako ng Bibliya, matutulungan ka nito na maging masaya kahit may mga problema. Basahin ang Kawikaan 17:22 at Roma 12:12. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Kung maniniwala ka sa mga pangako ng Bibliya tungkol sa hinaharap, mapapaganda ba nito ang buhay mo ngayon? Bakit?

MAY NAGSASABI: “Parang ang hirap paniwalaan ng mga pangako ng Bibliya.”

  • Sa tingin mo, bakit mahalagang pag-aralan ang mga ebidensiya na magkakatotoo ang sinasabi ng Bibliya?

SUMARYO

Nagbibigay ang Bibliya ng magandang pag-asa sa hinaharap na tutulong sa atin na makayanan ang mga problema.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Bakit kailangan natin ngayon ng pag-asa?

  • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hinaharap?

  • Paano ka matutulungan ngayon ng pag-asa sa hinaharap?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Tingnan kung paano ka matutulungan ng pag-asa na nasa Bibliya kapag may problema ka.

“Pag-asa—Saan Mo Ito Masusumpungan?” (Gumising!, Abril 22, 2004)

Alamin kung paano natulungan ng pag-asa sa hinaharap ang mga may malubhang sakit.

“May Malubha Akong Sakit—Makakatulong Ba ang Bibliya?” (Artikulo sa jw.org/tl)

Habang pinapanood mo ang music video, isipin na nandoon ka at ang pamilya mo sa ipinangako ng Bibliya na Paraiso.

Pag-asa na Hinihintay (3:37)

Basahin kung paano nabago ang buhay ng isang aktibista nang malaman niya ang pangako ng Bibliya sa hinaharap.

“Hindi Ko Na Iniisip na Baguhin ang Daigdig” (Ang Bantayan, Hulyo 1, 2013)