Review ng Seksiyon 4
Talakayin ninyo ng nagtuturo sa iyo ang mga tanong na ito:
Basahin ang Kawikaan 13:20.
Bakit mahalaga na piliing mabuti ang mga kaibigan natin?
(Tingnan ang Aralin 48.)
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang makakatulong sa iyo kung isa kang . . .
asawang lalaki o babae?
magulang o anak?
Paano tayo magsasalita sa paraang magpapasaya kay Jehova? Ano ang ayaw ni Jehova pagdating sa pagsasalita?
(Tingnan ang Aralin 51.)
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang makakatulong sa iyo para makapagpasiya ka pagdating sa pananamit at pag-aayos?
(Tingnan ang Aralin 52.)
Paano mo mapapasaya si Jehova sa mga pinipili mong libangan?
(Tingnan ang Aralin 53.)
Basahin ang Mateo 24:45-47.
Sino “ang tapat at matalinong alipin”?
(Tingnan ang Aralin 54.)
Paano mo gagamitin ang iyong panahon, lakas, at mga ari-arian para suportahan ang kongregasyon?
(Tingnan ang Aralin 55.)
Basahin ang Awit 133:1.
Ano ang puwede mong gawin para makatulong ka sa pagkakaisa ng kongregasyon?
(Tingnan ang Aralin 56.)
Ano ang kailangan nating gawin para tulungan tayo ni Jehova kapag nakagawa tayo ng malubhang kasalanan?
(Tingnan ang Aralin 57.)
Basahin ang 1 Cronica 28:9.
Paano tayo maglilingkod kay Jehova “nang buong puso” kapag may kumokontra sa tunay na pagsamba o kapag iniwan ng iba ang katotohanan?
May kailangan ka bang baguhin para manatili kang tapat kay Jehova at maging hiwalay sa huwad na relihiyon?
(Tingnan ang Aralin 58.)
Paano ka makakapaghanda sa pag-uusig?
(Tingnan ang Aralin 59.)
Ano ang plano mong gawin para patuloy kang sumulong sa espirituwal?
(Tingnan ang Aralin 60.)