KABANATA 20
Gusto Mo Bang Ikaw Lagi ang Mauna?
MAY kilala ka ba na gustong siya lagi ang mauna?
Binabanggit sa atin ng Bibliya na si Jesus ay inanyayahan sa isang malaking handaan sa bahay ng isang Pariseo, na isang importanteng lider ng relihiyon. Pagdating ni Jesus, pinagmasdan niya ang ibang mga bisita na dumarating at pumipili ng pinakamagagandang puwesto. Kaya nagkuwento siya sa mga inanyayahan. Gusto mo ba itong marinig?
Ipinakikita ni Jesus na hindi tamang piliin natin ang pinakamataas na puwesto. Kaya sinabi niya: ‘Kapag inanyayahan ka sa isang kasalan, pumaroon ka at umupo sa pinakamababang puwesto. Sa gayon, ang nag-anyaya sa iyo ay baka lumapit at magsabi, “Kaibigan, pumaroon ka sa mas mataas.” Kung magkagayon ay magkakaroon ka ng karangalan sa harap ng lahat ng iyong mga kapuwa panauhin habang lumilipat ka sa mas magandang puwesto.’
Naintindihan mo ba ang punto ng kuwento ni Jesus?
Maaaring may magsabi na hindi interesado si Jesus sa anumang gawin natin. Pero naniniwala ka ba rito?
Ang pagnanais na mauna ay lumilikha ng maraming problema. Naging problema pa nga ito sa mga apostol ni Jesus. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 6 ng aklat na ito, pinagtalunan nila kung sino ang pinakadakila. Ano ang ginawa noon ni Jesus?
Ang mga apostol, kasama ng iba pa, ay naglalakbay noon na kasama ni Jesus sa huling pagkakataon patungo sa lunsod ng Jerusalem. Nabanggit Mateo 27:56; Marcos 15:40) Kaya habang patungo sila sa Jerusalem, lumapit si Salome kay Jesus, yumukod sa kaniya, at humingi ng pabor.
ni Jesus sa kanila ang tungkol sa kaniyang Kaharian, kaya naisip nina Santiago at Juan na sila ay maghaharing kasama niya. Kinausap pa nga nila ang kanilang nanay, si Salome, tungkol dito. (“Ano ang nais mo?” tanong ni Jesus. Sumagot siya na gusto sana niyang paupuin ni Jesus ang kaniyang mga anak sa mismong tabi niya sa kaniyang Kaharian, isa sa kaniyang kanan at isa sa kaniyang kaliwa. Buweno, nang malaman ng iba pang sampung apostol ang ipinahiling nina Santiago at Juan sa kanilang nanay, ano kaya sa palagay mo ang naramdaman nila?
Oo, galit na galit sila kina Santiago at Juan. Kaya binigyan ni Jesus ang lahat ng kaniyang mga apostol ng matalinong payo. Sinabi sa kanila ni Jesus na gustung-gusto ng mga tagapamahala ng mga bansa na maging makapangyarihan at importante. Gusto nila ng mataas na posisyon para sila ang
Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng isang alipin?
Ano sa palagay mo ang kahulugan niyan para sa atin?
Kaya sa halip na piliting mauna, ano ang gagawin natin?
Matatandaan mo na inuna ng Dakilang Guro ang iba kaysa sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila. Noong huling gabing kasama niya ang kaniyang mga apostol, lumuhod pa nga siya at hinugasan ang kanilang mga paa. Kung uunahin din natin ang iba sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanila, mapasasaya natin kapuwa ang Dakilang Guro at ang kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova.
Basahin natin ang ilan pang teksto sa Bibliya na nagpapasigla sa atin na unahin ang iba kaysa sa ating sarili: Lucas 9:48; Roma 12:3; at Filipos 2: