KABANATA 33
Kaya Tayong Ingatan ni Jesus
NANG lumaki na si Jesus at malaman kung paano siya iningatan noong maliit pa siya, sa palagay mo kaya ay nanalangin siya kay Jehova at nagpasalamat sa kaniya?
Mangyari pa, si Jesus ay hindi na isang sanggol ngayon. Ni wala na siya sa lupa na gaya noon. Pero napansin mo ba na parang iniisip ng mga tao sa ngayon na si Jesus ay isa lamang sanggol na nasa sabsaban?
Kahit wala na sa lupa si Jesus, naniniwala ka bang buháy siya?
Gumagabi na noon. Maghapong nagturo si Jesus sa may Dagat ng Galilea, isang malaking lawa na mga 20 kilometro ang haba at 12 kilometro ang luwang. Ngayo’y sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo ng lawa.” Kaya sumakay sila sa bangka at naglayag patawid sa lawa. Pagod na pagod si Jesus, kaya pumunta siya sa likuran ng bangka at nahiga sa may unan. Di-nagtagal, nakatulog siya nang mahimbing.
Nanatiling gising ang mga alagad para bantayan ang direksiyon ng bangka. Maayos naman ang lahat sa pasimula, pero mayamaya ay biglang lumakas ang hangin. Palakas nang palakas ang hihip nito, at palaki nang palaki ang mga alon. Humampas ang mga alon sa bangka, kung kaya pumasok ang tubig sa bangka.
Natakot ang mga alagad na baka sila lumubog. Pero hindi natakot si Jesus. Natutulog pa rin siya sa hulihan ng bangka. Sa wakas ay ginising siya ng mga alagad, at sinabi: ‘Guro, Guro, iligtas mo kami; mamamatay kami sa bagyong ito.’ Dahil dito, bumangon si Jesus at nagsalita sa hangin at mga alon. “Tigil! Tumahimik ka!” ang sabi niya.
Agad na tumigil ang paghihip ng hangin, at kumalma
Alam mo ba kung sino si Jesus?
Nangyari ito sa iba namang araw. Nang gumabi na, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na sumakay sila sa bangka at mauna na sa kaniya sa kabilang ibayo ng dagat. Pagkatapos ay nag-iisang umakyat si Jesus sa bundok. Isa itong tahimik na lugar na makapananalangin siya sa kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova.
Sumakay sa bangka ang mga alagad at naglayag patawid sa kabilang ibayo ng dagat. Pero mayamaya ay humihip ang hangin. Palakas ito nang palakas. Gabi na noon. Ibinaba ng mga lalaki ang layag at nagsimulang sumagwan. Pero hindi sila gaanong makalayo dahil pasalungat sa kanila ang hihip ng hangin. Pagiwang-giwang ang bangka dahil sa malalaking alon, at pinapasok na ito ng tubig. Sinikap ng mga lalaki na makarating sa pampang, pero wala silang magawa.
Naroroon pa ring mag-isa si Jesus sa bundok. Matagal na siya roon. Pero ngayon ay nakikita niyang nanganganib ang kaniyang mga alagad dahil sa malalaking alon. Kaya bumaba siya sa bundok at pumunta sa tabing-dagat. Gustong tulungan ni Jesus ang kaniyang mga alagad, kaya naglakad siya sa ibabaw ng maunos na dagat patungo sa kanila!
Ano ang mangyayari kapag naglakad ka sa tubig?
Nang makasakay si Jesus sa bangka, tumigil ang bagyo. Namangha na naman ang mga alagad. Yumukod sila kay Jesus at nagsabi: “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”
Ang sarap siguro kung nabubuhay na tayo noon at nakikita si Jesus na gumagawa ng mga bagay na ito, hindi ba?
Ganiyan din sa ngayon. Naglilingkod man ang mga tao kay Jehova o hindi, lahat sila ay nagkakasakit at namamatay. Pero sandali na lamang, kapag namamahala na si Jesus bilang Hari ng pamahalaan ng Diyos, mag-iiba na ang kalagayan. Sa panahong iyon ay wala nang matatakot, dahil gagamitin ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan para pagpalain ang lahat ng sumusunod sa kaniya.
Ang iba pang teksto na nagpapakita ng dakilang kapangyarihan ni Jesus, ang isa na inatasan ng Diyos na Tagapamahala sa Kaharian ng Diyos, ay ang Daniel 7: