KABANATA 12
Tinuruan Tayo ni Jesus na Manalangin
KINAKAUSAP mo ba ang Diyos na Jehova?
Saan ka puwedeng pumunta para manalanging mag-isa kay Jehova?
Nananalangin din si Jesus kapag may kasama siyang ibang tao. Juan 11:
Nananalangin din si Jesus sa oras ng pagkain. Pinasasalamatan niya si Jehova sa kaniyang pagkain. Palagi ka bang nananalangin bago kumain?
Kailangan bang palagi kang manalangin nang malakas? O maririnig ka kaya ni Jehova kung tahimik kang mananalangin?
Nang tanungin ng hari si Nehemias kung bakit siya malungkot, tahimik munang nanalangin si Nehemias. Pagkatapos ay sinabi ni Nehemias sa hari kung bakit siya malungkot at tinanong niya ito kung puwede siyang pumunta sa Jerusalem para muling itayo ang mga pader. Ano ang nangyari?
Oo, sinagot ng Diyos ang panalangin ni Nehemias. Sinabi ng hari na puwede siyang pumunta! Binigyan pa nga ng hari si Nehemias ng napakaraming punungkahoy para gamitin sa pagtatayo ng mga pader. Kaya talagang puwedeng sagutin ng Diyos ang ating mga panalangin, kahit na iyon ay tahimik.
Kaya, ano ang ipinakikita nito?
Ano ang dapat nating sabihin sa ating mga panalangin kay Jehova?
Minsan ay hiniling ng mga alagad ni Jesus na turuan niya silang manalangin. Kaya tinuruan sila ng Dakilang Guro, at ipinakita niya sa kanila ang mahahalagang bagay na dapat idalangin. Alam mo ba kung ano ang mga bagay na ito?
Natutuhan natin dito na sinabihan tayo ni Jesus na idalangin ang pangalan ng Diyos. Sinabi niyang idalangin na pakabanalin nawa, o ituring na banal, ang pangalan ng Diyos. Ano ba ang pangalan ng Diyos?
Ikalawa, tinuruan tayo ni Jesus na idalanging dumating nawa ang Kaharian ng Diyos. Ang Kahariang ito ay mahalaga dahil magdadala ito ng kapayapaan sa lupa at gagawin itong isang paraiso.
Ikatlo, sinabi ng Dakilang Guro na idalangin na mangyari nawa ang kalooban ng Diyos sa lupa kung paano ito nangyayari sa langit. Kung idinadalangin natin ito, gagawin natin kung gayon ang gusto ng Diyos.
Sumunod, tinuruan tayo ni Jesus na idalangin ang pagkain na kailangan natin sa araw-araw. Sinabi rin niya na dapat tayong humingi ng paumanhin sa Diyos kapag nakagagawa tayo ng mali. At dapat nating hilingin sa Diyos na tayo ay patawarin. Pero bago niya gawin ito, dapat muna nating patawarin ang iba kapag nakagagawa sila ng mali sa atin. Madali bang gawin iyan para sa iyo?
Pinakahuli, sinabi ni Jesus na dapat nating idalangin na ingatan nawa tayo ng Diyos na Jehova mula sa isa na balakyot, si Satanas na Diyablo. Kaya lahat ng ito ay magagandang bagay na dapat idalangin sa Diyos.
Dapat tayong maniwala na naririnig ni Jehova ang ating mga panalangin. Bukod sa paghiling sa kaniya na tulungan tayo, dapat tayong palaging magpasalamat sa kaniya. Natutuwa siya kapag tapat tayo sa ating sinasabi sa panalangin at kapag humihiling tayo sa kaniya ng tamang mga bagay. At ibibigay niya sa atin ang mga bagay na ito. Naniniwala ka ba rito?
Higit pang magagandang payo tungkol sa pananalangin ang makikita sa Roma 12:12; 1 Pedro 3:12; at 1 Juan 5:14.