Ang Buod ng Mensahe ng Bibliya
Nilalang ni Jehova sina Adan at Eva para mabuhay magpakailanman sa Paraiso. Nilapastangan ni Satanas ang pangalan ng Diyos at kinuwestiyon ang karapatan ng Diyos na mamahala. Sumama sina Adan at Eva kay Satanas sa pagrerebelde, at nagbunga ito ng kasalanan at kamatayan para sa kanila at sa kanilang mga anak
Hinatulan ni Jehova ang mga rebeldeng ito at nangakong magkakaroon ng isang Tagapagligtas, o Binhi, na dudurog kay Satanas at mag-aalis sa lahat ng epekto ng rebelyon at kasalanan
Ipinangako ni Jehova kina Abraham at David na magiging ninuno sila ng Binhi, o Mesiyas, na mamamahala magpakailanman bilang Hari
Inihula ng mga propeta ni Jehova na aalisin ng Mesiyas ang kasalanan at kamatayan. Kasama ang iba pang tagapamahala, siya ay magiging Hari ng Kaharian ng Diyos na mag-aalis ng digmaan, sakit, at maging kamatayan
Isinugo ni Jehova sa lupa ang kaniyang Anak at ipinakilala si Jesus bilang ang Mesiyas. Ipinangaral ni Jesus ang Kaharian ng Diyos at inihandog ang kaniyang buhay bilang hain. Pagkaraan, binuhay siyang muli ni Jehova bilang espiritu
Iniluklok ni Jehova ang kaniyang Anak bilang Hari sa langit, na hudyat ng pagsisimula ng mga huling araw ng daigdig na ito. Ginagabayan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod dito sa lupa habang ipinangangaral nila ang Kaharian ng Diyos sa buong lupa
Inatasan ni Jehova ang kaniyang Anak na mamahala sa lupa. Dudurugin ng Kaharian ang lahat ng pamahalaan ng tao, itatatag ang Paraiso, at pasasakdalin ang lahat ng tapat na tao. Ipagbabangong-puri ang karapatan ni Jehova na mamahala, at pababanalin ang kaniyang pangalan magpakailanman